4,687 guests

Jana at tunay na ama, nagkita sa Amerika

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 573

HALOS pareho ang kuwento ng buhay ng magkasintahang Ejay Falcon at Jana Roxas. Kapwa sila inabandona
ng kanilang mga ama maging ng kanilang mga ina.

Hindi ikinakaila ng Kapamilya actor na hanggang ngayon ay hininahap pa rin niya ang kanyang
biological French dad na umabandona sa kanya at sa kanyang ina pagkasilang pa lamang niya.  Iniwan rin
siya ng kanyang ina sa Mindoro para lumuwas ng Maynila. Pero ’di siya binalikan. Nung siya’y 15 years
old na ay lumuwas din siya ng Maynila para hanapin ang kanyang ina na meron na palang ibang pamilya.
    
Si Jana naman ay iniwan din ng kanyang mga magulang kaya lumaki ito sa kanyang maternal
grandmother.

Jana turned 27 last August 22 at biggest birthday gift ang kanyang natanggap nang makilala
nito ang kanyang biological father na naka-base sa Los Angeles, California at malaki ang naging papel
ng kanyang nobyong si Ejay na naging tulay ng paghaharap ng mag-ama sa America.

Naging madamdamin umano ang pagkikita ng mag-ama na personal na nasaksihan ni Ejay.  Nag-
iyakan at nagyakapan umano ang mag-ama sa una nila pagkikita.

Kung buo na ang pagkatao ni Jana Roxas (who is Joanna Bangis in real life), inaasam din ni
Ejay na balang araw ay makikilala rin niya ang kanyang tunay na ama.
    
Si Ejay ay isa sa mga tampok sa pelikulang “Barbi: The Wonder Beki” na pinangungunahan ni
Paolo Ballesteros.

RIOT SA SAYA

RIOT ang aming phone-patch interview sa tatlong lolas na sina Lola Tinidora (Jose Manalo), Lola Nidora
(Wally Bayola) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) sa among DZRJ radio program last Sunday.
    
Dahil sa sobrang kasikatan ng tatlong lolas, pinagkatiwalaan sila ng TAPE, Inc. at APT
Entertainment big boss na si G. Tony Tuviera ng kanilang sariling daily 30-minute talk show on GMA,
ang “The Lolas Beautiful Show” na siyang pre-programming ng “Eat Bulaga” na sinundan ng kanyang first
solo movie, ang “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies” na dinirek ni Mark Reyes at matutunghayan sa mga
sinehan simula sa November 22.  Ang nasabing pelikula ay nagkaroon ng successful red carpet screening
kagabi, Monday sa Cinema 7 ng SM Megamall.
    
Dahil sa Jo-Wa-Pao at sa character nila bilang mga lola, lalong naging close ang bonding ng
tatlo lalupa’t araw-araw silang magkasama sa “Juan for All, All for One” segment ng “Eat Bulaga” bukod
pa siyempre sa araw-araw din silang magkakasama sa “The Lolas Beautiful Show”.
    
Samantala, kung successful ang tambalan ng Jo-Wa-Pao at maging ng tatlong lolas, nagkataon

naman na pare-pareho silang hiwalay na sa mga ina ng kanilang mga anak.

ATOM AT IVAN MAY INTRIGA?

GAANO kaya katotoo ang balita na naiintriga umano ngayon ang balik-GMA broadcast journalist na si Atom
Araullo maging ang datihan nang Kapuso broadcast journalist na si Ivan Mayrina dahil sobra umano ang
special attention na ibinibigay ng GMA News and Public Affairs kay Atom magmula nang ito’y bumalik sa
studio na una niyang pinagmulan?
    
Aminin kaya ito ni Ivan na nakita namin sa ika-4th anniversary commemoration ng bagyong
Yolanda sa Tacloban City last November 8?

MGA BUMUKOL AT DI BUMUKOL

MARAMI  ang ginulat nina Rocco Nacino at Markki Stroem dahil silang dalawa ang pinaka-daring sa lahat
ng mga celebrity na rumampa sa “Under the Stars” 30th anniversary ng Bench na ginanap sa SM MOA Arena.  
But between Rocco and Markki, si Rocco ang tinilian nang husto ng audience.  Pero hindi naman
nagpahuli  sa init ng pagtanggap ng crowd kina Maine Mendoza, Richard Gutierrez, ang magkasintahang
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo maging ang 2017 Reina Hispanoamericana  na si Winwyn Marquez ganoon
din ang Italian model na si Pietro Boselli.
    
Naghalo ang mga stars and talents ng Kapamilya at Kapuso Network.