Jameson at mga kapatid 'di tunay na ama ang nag-aalaga

October 09, 2018
Jameson Blake
Jameson Blake

MAGMULA nang bumalik ng Pilipinas at manirahan sa Angeles City, Pampanga with his family ang 21-year-old ex-PBB housemate, dancer, TV and movie actor and celebrity endorser, Fil-Am Jameson Blake, naging close siya at dalawang kapatid sa kanilang stepdad na si Fidel Malinao who treats them just like his own children.  Si Fidel ay dating kasintahan ng kanilang inang si Claire Gibson bago pa nito napangasawa ang American national na si Robin Blake na naka-base ngayon sa Hong Kong kung saan isinilang si Jameson at ang kanyang dalawang kapatid.  

Jameson was 10 nang magkahiwalay ang kanyang parents at kasama sila ng kanyang dalawang kapatid  na sina Nicholas at Abigail na bumalik ng Pilipinas.  His mother remarried at ang kanilang stepdad ay nagsilbi nilang pangalawang ama.  He would even accompany them to school at sinasamahan si Jameson sa kanyang mga lakad.   Kung mahal ni Fidel ang kanyang stepchildren, mahal na mahal din siya ng mga ito and they’re also happy for their mom na masaya ngayon with her second husband.

Naging emotional naman ang muling pagkikita nina Jameson at ng kanyang American dad nung siya’y nasa loob pa ng PBB house in 2015 dahil halos walong taon silang hindi nagkita.

Although may communication pa rin si Jameson and his brother sa kanilang ama at patuloy itong nagbibigay ng financial support, kumikita na ngayon ang young actor-dancer kaya tumutulong na rin siya sa gastusin ng kanilang pamilya.  Siya na rin ang nagpapa-aral sa kanyang younger sister na si Abigail.

Inamin ni Jameson na never niyang inisip na mapupunta siya sa showbiz.  Inamin din niya na malaki umano ang nabago sa kanyang pananaw sa buhay nang siya’y mapabilang sa Bahay ni Kuya (PBB house) in 2015 at kasama na rito ang kanyang pagiging mahiyain.