Jake, nananakit ng girlfriend

September 24, 2018

Wala  palang dapat ikatakot ang magdyowang Jake Vargas at Inah de Belen dahil nakakasabay sila sa aktingan kina Jean Garcia, Gelli de Belen, Valerie Concepcion, Antonio Aquitania at Tonton Gutierrez.

Thumbnail

Worried ang dalawa sa presscon na baka ma-disappoint nila ang viewers ‘pag hindi nagawa ng tama ang mga eksena nila.

Sa nabasang feedback, galit ang viewers kay Carlo (Jake) sa ginagawang physical and verbal abuse kay Joanna (Inah). Gusto rin nilang iuntog at sampalin si Inah para magising na mali ang ginagawa sa kanya ng boyfriend.

Si Inah ay naging biktima na ng verbal abuse, kaya alam ang feeling ng inaa-buso. Si Jake ang na-challenge ng husto dahil malayo ang karakter niya sa totoong buhay.

Hindi yata marunong magalit si Jake, tapos ang role ay nananakit ng babae, mainitin ang ulo, palaaway at may gagawin pa ang karakter na isa sa climax ng story.

Tagged Under