4,533

Jake, muling sasabak sa triathlon

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 1073

Itinanggi ni Jake Cuenca ang tsismis na nagte-text siya habang nagbibisikleta nang mabangga  sa truck noong nakaraang Marso.

“Nag-stop talaga ’yung truck sa harapan ko,” paglilinaw ni Jake nang makapanayam sa presscon ng Ikaw Lang Ang Iibigin, bagong serye nila nina Kim Chiu at Gerald Anderson na magsisimula sa May 1.

“In fact, nag-sorry pa ’yung truck (driver) sa akin. So, sana, huwag na nating gawan ng issue. Ako, for me, I let the guy (go). Pinatawad ko ’yung guy, I didn’t even fight, kasi at fault din ako, kasi I was looking down, so, that’s it.
   
“An accident happens. Saka triathlon ang pinasukan ko, kung ayokong masaktan, di sana natuto na lang ako mag-make-up or something,” natatawa pang sabi ni Jake.
   
Matatandaang naaksidente si Jake sa Mall of Asia while training for the Ironman triathlon competition.
   
Sa presscon, may bandage pa ang kanang kamay ni Jake na matatandaang inoperahan sanhi ng aksidente.        
   
Pero aniya, okay na okay na siya at pwede na ulit mag-train.
   
“Sabi naman ng doktor, by May, 100 percent (healed) na ako, eh. Kaya nag-sign-up na ako sa lahat ng races. Kasi sabi ng doktor, guaranteed, May okay na ’yung kamay ko,” aniya.
   
In fact, this Sunday, sasali na ulit siya sa triathlon race sa Subic at duathlon naman on May 14 and 19.
   
“My goal is I wanna reach the podium. Gusto kong mag-podium finish. That’s my biggest goal, and I’m getting closer. ’Yung first race ko, 20th place. Then, ’yung next race ko, 7th place, and then sa Ironman, kung hindi ako na-flat-an, my team could have reached the podium.
   
“So, for me, nararamdaman ko na, eh, nalalasahan ko na. Kaya kahit nabali ang kamay ko, training pa rin. Sabi ko, hindi ako papayag na humina.
   
“Saka, iba rin ’yung confidence na nangyayari. ’Pag kunyari, nag-training ako, tapos biglang pumunta sa set (ng ILAI), nararamdaman ko, in character ako,” pahayag pa ng aktor na gumaganap na isang triathlon champion sa bagong drama series.
   
Sa halip na matakot, lalo pa raw siyang ginanahan sa triathlon.
   
“Actually ay mas nagutom nga ako lalo, eh. Alam mo ’yung after ng incident talaga, mas nagutom talaga ako lalo. Itong injury na ito, ’yung downtime has motivated me to be better and be stronger when I come back.
   
“No fear. Hindi ka pwedeng matakot when you do this. Kasi du’n ka magbabagal, eh, ’pag nag-iingat ka masyado. ’Yun naman ang exciting sa triathlon, ’yung konting element ng danger. ’Yun ’yung thrill ride, eh.”
   
Ang lesson daw na natutunan niya is “always keep your eye on the road. Kahit pagod na pagod ka na, huwag na huwag kang titingin sa baba. Kasi ’yun ang nangyari sa akin.”