4,830 guests

Isabelle, out sa ‘It Girls’

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 532

HINDI na makakasama si Isabelle Daza sa season 2 ng It Girls. Tanging sina Solenn Heussaff at Georgina Wilson na lang ang magkasama pero may special participation ang asawa ni Solenn na si Nico Bolzico.

“May ginagawa yatang serye si Isabelle kaya us and our husbands ang mapapanood. Parang married life. Hindi dahil sa controversy kay Isabelle. Plano na ’yan since the start of the year. Okay naman na wala sila, hahaha!” pahayag ni Solenn sa presscon ng bago niyang series na Alyas Robin Hood 2.

“I don’t want to talk about it. It’s her (Isabelle) issue. Alam naming maraming trolls sa Internet,”sabi ni Solenn.

May nagsasabing siya raw ang umano’y pinakamatino sa grupo?

“Whee? Really? Hindi ko alam, hahaha!” bulalas niya.

Parang hindi kasi siya nagagalit kumpara sa grupo niya.

“Hindi ako nagagalit. Puwedeng si Nico pero sa ginagawa niya sa akin, hindi ako nagagalit. Kay Nico nga, ‘clean the floor.’ Kasi OC ako. Ganoon lang ang ginagawa ko sa kanya,” sey ni Solenn.
    
Buti hindi siya pinagbabawalang magpaseksi ng asawa gaya ng pag-pose niyang hubad habang nasa London sila?
    
“Hindi! Hello! Nakita mo nga si Nico, naghubad din! Ako, I married someone that will let me be me. Like they say, find someone that adds to you, not someone that completes you. I’m complete when I’m hubad! ’Chos!” rason ni Solenn.
    
Dahil mag-aagawan sila ni Andrea Torres kay Dingdong Dantes, kung magkaroon man sila ng kissing scene, handa siya dahil para sa kanya ay trabaho lang ang gagawin niya.

* * *

EXCUSE muna sina Alden Richards at Maine Mendoza kahapon sa Eat Bulaga.
    
Lumipad patungong Houston, Texas si Alden para sa isang show sa Pinoy community.
    
Opening day naman kahapon ng food chain ni Meng sa Santa Clara, Bulacan.
    
Box-office hit ang opening nito dahil madaling-araw pa lang ay sumugod na ang mga tao kahit sarado pa ito.
    
Personal namang pinamahalaan ni Maine ang pag-aasikaso ng invited guests pati na ang president at CEO ng food chain sa bansa.
    
Ever supportive naman ang kanyang pamilya na hindi nangiming makipag-picture sa dumating na fans ng Phenomenal Star.
    
Kandabuhul-buhol nga ang traffic sa lugar sa dami ng taong bumati at kumain sa food chain na pag-aari ni Meng.