4,899 guests

Isabel, nakatakdang i-cremate bukas

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 315
Isabel Granada Isabel Granada

KUNG gaano kasayang umalis ang singer-actress na si Isabel Granada at ang mister nitong si Arnel Principe-Cowley patungong Doha, Qatar last October 18 para sa kanyang special guest performance at speaking engagement sa Philippine Trade Tourism Conference nung October 20 sa Shangri-La Hotel in Doha, Qatar ay sobrang lungkot ang pagbabalik nito ng Pilipinas nung umaga ng Huwebes, November 10 dahil nasa loob na siya ng puting kabaong.

Ito ay matapos siyang mag-collapse nung October 25 at isugod sa Hamad General Hospital kung saan siya namalagi sa ICU hanggang ideklarang wala nang buhay nung gabi ng November 4, 2017. Ang kanyang mga labi ay dinala sa Al Wakra Mortuary sa Doha kung saan ito nagmula bago ilipad pabalik ng Pilipinas nung gabi ng Miyerkules, November 8.

Pagdating sa tarmac ng NAIA Terminal 2, binalutan ng Philippine flag ang box na pinaglagyan ng mga labi ni Isabel at ginawaran ng full military honors ng Philippine Air Force dahil sa kanyang ranggong 2nd class sergeant bilang isang lisensyadong piloto.

Kasamang dumating ang kanyang second husband na si Arnel at ang cousin ng namayapang singer-actress na si Joseph Rivera.  Sinalubong naman sila ng ex-husband ni Isabel na si Jericho `Geryk’ Genasky Aguas, ang 14-year-old son nila ni Isabel na si Hubert Thomas Jericho Granada Aguas, ibang mga kaanak at mga kaibigan ni Isabel na pinangunahan ng dating ka-loveteam na si Chuckie Dreyfus.  Agad naman idiniretso ng Arlington Memorial Chapel si Isabel kun saan ito binihisan at inayusan at saka inilipat sa isang bagong kabaong at saka dinala sa Santuario de San Jose in Greenhills for a three-night wake na magtatapos ngayong gabi ng Sabado.

Nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Isabel bukas, araw ng Linggo ng ala-una ng hapon sa The Arlington Crematorium.
    
Bukod sa kanyang kaisa-isang anak na si Hubert , ang singer-actress ay meron ding dalawang step daughters na sina Sarah and Abbey.
    
Since namayapa na rin nung 1995 ang ama ni Isabel na si Humberto Granada na isang Filipino chief marine engineer ng isang international vessel, mag-isa na ngayon ang Spanish mom ni Isabel na si Mommy Guwapa at dito worried ang mga kaibigan ng namayapang singer-actress.