5,282 guests

Iniba!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1294

Kris, binibira sa pag-o-overshare ng international career!

Jessy, ‘best playmate in the world’ -- Luis

INIBA naman ni Kris Aquino ang posts niya sa Instagram account. Nabibira na rin kasi siya sa sunud-sunod na “overshare” niya sa kanyang international entertainment career.

Binigyang-puwang naman ni Kris ang anak niyang si Bimby. 

Tenth birthday ng bagets kaya photos ng anak mula bata hanggang ngayon ang ibinalandra niya sa kanyang IG account.
   
“10 years ago you came into this world -- suddenly 1 human being made our lives brighter, funnier, happier, more inspiring, more gratifying, more colorful and more meaningful. Everyday you bring us wisdom, adventure, optimism and laughter. Most of all, for us you are LOVE personified. #happy10thbirthdayBimb.”
   
Pasok sa video ang importanteng events kay Bimby simula nang siyang ipinanganak.
   
Pero sorry na lang, guys, wala sa laman ng video ang tatay niyang si James Yap, huh!

* * *

NAHALUKAY ni Kylie Padilla ang isang book, Positive Discipline in Everyday Parenting, na ibinigay sa kanya nu’ng panahon na tumutulong siya sa Save the Children campaign.
   
Kinuwento niya sa IG account niya, lumipad pa siya noon sa Tacloban upang magsalita sa kahalagahan ng edukasyon sa pamilyang naapektuhan ng Bagyong Yolanda.
   
Ibinigay sa kanya ng Save the Children ang book para ma-orient siya sa development ng young children.
   
Pero nitong nakaraang mga araw lang niya nadiskubre ang libro habang naglilinis ng condo.
   
“The title caught my eye in a different way this time since 3 months from now, I will officially be a parent.    “I have started reading it and after one chapter, I would like to recommend it to anyone interested in not just children or parents but anyone interested in basic human development.
   
“I would like to express my most sincere thank you to Save the Children for giving me this book. I wouldn’t have known what a treasure it is until now,” bahagi ng caption ni Kylie.
   
As we all know, lalaki ang panganay nina Kylie at Aljur Abrenica.

* * *

SPECIAL guest si Jessy Mendiola sa daily show ni Luis Manzano para sa week-long birthday celebration niya.
   
April 27 ang birthday ni Luis.
   
Sa IG post ni Jessy kahapon, may post siyang karga-karga ng boyfriend ang isang tinawag niyang “Baby Tyler.”
   
Kantiyaw tuloy ng followers niya, “Gawa  na kayo Ma’am.” “Magpakasal na kasi kayo!”
   
Komento naman ni Luis, “Best playmate in the world!”
   
Kasunod nu’n ang komento na “You will be a great dad one day Luis. It’s very evident.”