Imelda, masigla at hindi sakitin

November 05, 2018
Imelda Papin

Si Imelda Papin ang napili ng Forever Healthy Products na maging “Face of Imuregen” at right choice ang singer-actress dahil parang hindi nadadag-dagan ang edad niya. Bata pa rin ang hitsura, masigla at sabi nito, sa last check up sa kanya, healthy siya at walang sakit.

Nabanggit nito sa presscon/launching niya bilang endorser na may dalawang ibang supplement product na kumukuha sa kanya bilang endorser. “Ang Imuregen ang pinili ko. Wala akong sakit dahil sa Imuregen.”

Ayon naman kay Dr. Susan Barlin, CEO ng Forever Healthy Products, maraming artista ang gustong maging endorser ng Imuregen, pero si Imelda ang pinili nila dahil bukod sa mukhang bata at masigla, may advocacy pa. Kaya pa niyang mangampanya dahil muling tatakbong vice governor ng Camarines Sur.

Malinaw na ipinaliwanag ni Dr. Susan ang benefits ng Imuregen at FDA approved ito, kaya walang dapat ikabahala ang mga iinom nito. Lahat ay pwedeng uminom ng Imuregen at maraming sakit na naaalis.

* * *

May special participation sa Cain at Abel sina Yasmien Kurdi, Rafael Rosell at Diana Zubiri, hindi pa lang namin alam kung ano ang role ng tatlo. Nalaman namin ang tungkol dito sa pinost ni Rafael na picture nilang tatlo sa taping.

Sa BTS ng taping, parang nasa party ang tatlo at iba pang kaeksena at may dalawang batang lalaki na parang alam na namin kung ano ang role. Parang alam na rin kung ano ang role nina Rafael, lalo na sa caption niyang “Been working on the opening for this awesome new mega project for #GMANetwork. Abangan nyo to guys! It’s gonna be amazing!”

Bukod kina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, leading ladies sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez. Kasama rin sa cast sina Eddie Gutierrez, Dina Bonnevie, Shry Valdez, Leandro Baldemor, Ronnie Henares, Carlo Gonzales at Chanda Romero.

This November na ang pilot sa direksyon nina Don Michael Perez at Mark Reyes.

* * *

May captive audience na talaga ang Sunday Pinasaya dahil laging panalo sa ratings and last Sunday, muling nanalo sa rating ang SPS.  Ayon sa National Urban Phils TV People Ratings, nakakuha ang show ng 6.4 percent at ang ASAP ay 5 percent.

Ito ay kahit absent si Alden Richards dahil not feeling well at wala rin si Julie Anne San Jose. Kaya masaya ang buong Team SPS, pero ang talagang labanan ay kapag lumabas na nang live si Regine Velasquez at kapag nag-reformat na ang ASAP.

Tiyak namang paghahandaan ng SPS ang pagre-reformat ng ASAP.