Ilusyon!

September 13, 2018
Alden Richards

Alden, ’di tatapatan ni Maine para kay Coco

NAKIUSAP ang fans ni Maine Mendoza na paunahin muna sila ng isang oras bago dumating ang idolo sa launching ng kanyang lipstick shade ngayong buwang ito.

Sa Twitter pic naman ng global brand ng cosmetics na maglalabas ng shade ng lipstick ni Meng, kahit anong shade raw ’yon, eh, kanilang bibilhin, huh!

Sa totoo lang, abangers na ang fans ng Phenomenal Star sa mga ganap niya hanggang sa matapos ang 2018.  

Una na nga itong launch ng lipstick shade niya at ’yung balitang sitcom niya with Vic Sotto at Wally Bayola na every Saturday ang telecast.

By the end of the year, ilalabas na ang album niya under Universal Records. Of course, by December 25 ang festival movie niyang Jak Em Popoy with Bossing Vic at Coco Martin.

Naglulundag nga sa tuwa ang fans niya nang pasimpleng sumagot si Meng na puwede siyang mag-guest sa series ni Coco.

Of course, hanggang ilusyon na lang ’yon dahil kahit walang kontrata sa GMA, eh, hindi naman puwedeng ipambala siya sa series na katapat ng Victor Magtanggol ni Alden Richards.

Puwedeng mapanood si Coco sa Eat Bulaga at makasama sa isang production si Maine.

Pero ’yung tumapat sa series ni Alden ay magiging masalimuot bago siya payagan, huh!

Tagged Under