6,042

Humarap

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 443

Robin at Aljur, nagkasundo!

Siguradong sobra ang saya ni Kylie Padilla na finally, humarap na rin ang partner niyang si Aljur
Abrenica sa amang si Robin Padilla. 

Sa post ni Aljur sa Instagram (IG), sabi nito, “Wala ng mas mahalaga pa sa pamilya at
siyempre sa ngiting ngayon ko pa lang nakita mula sa mahal ko... Salamat po sa mainit na
pagtanggap.”

Si Kylie, “Marked” lang ang caption sa picture na magkakasama ang pamilya niya at pamilya ni
Aljur at doon sa picture nilang tatlo nina Aljur at Robin, wala siyang comment. Pero kita sa mukha
nito ang saya.
    
Kasama pa ni Aljur ang buong pamilya nang humarap kina Robin sa bahay nila ni Mariel
Rodriguez at para ngang pamamanhikan ang nangyari dahil kumpleto silang magkakapatid. Kasalan na
kaya ang kasunod nito?  
    
Kasama namang humarap kina Aljur si Mommy Eva Cariño at nasa picture rin ang six-month old
baby nina Aljur at Kylie na si Alas na karga ng mom ni Aljur.
    
Kung alam lang ng bata ang kahalagahan nang pagkikitang ’yun, matutuwa rin  siya.
    
Isa sa nag-comment at masaya para kay Aljur ay si Coco Martin sa post nitong, “Ayos Paps
nakakatuwa!!!”