6,042

How Julia survives showbiz without a loveteam

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1433
Julia  Montes Julia Montes

UNLIKE other young stars who are dependent on their popularity sa pamamagitan ng loveteams, 22-year-old Julia Montes is taking a different direction as far as her showbiz career is concerned.  She can survive in this business without a loveteam to depend on.

At a young age of five ay nagsimula nang  mag-go-see (audition) si Julia for different TV commercials kung saan niya kasa-kasama ang kanyang maternal grandmother na si Lola Flory na siya niyang naging gabay hanggang tuluyan niyang pasukin ang showbiz sa edad na anim na taon.

Napasama si Julia sa seryeng “Sana ay Ikaw na Nga” ng GMA in 2001 when she was 6 na nasundan ng “Hiram” ng ABS-CBN three years later.  Taong 2005  naman nang siya’y mapabilang sa long-running kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” kung saan siya naging bahagi hanggang 2008. On the same year ay napasama siya sa teleseryeng “Ligaw na Bulaklak”. Two years later ay pinagsama sila ni Kathryn Bernardo sa TV remake ng “Mara Clara” na unang pinasikat nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes mula 1992 to 1997.

Ang “Mara Clara” ang naging breakthrough ng showbiz career nina Julia at Kathryn dahil pagkatapos ng serye ay saka na sila binigyan ng kanilang movie together, ang “Way Back Home” in 2011 at pagkatapos nito ay saka na sila binigyan ng kanilang solo projects.

Taong 2012 nang gawin ni Julia ang hit TV series na “Walang Hanggan” na pinagtambalan nila ni Coco Martin kasama ang tambalan nina Dawn Zulueta at Richard Gmez.  Ito rin ang naging simula ng pag-angat nang husto ni Coco sa kanyang TV career hanggang makuha niya ang titulo ng pagiging Primetime King ng Kapamilya Network.  Pagkatapos ng “Walang Hanggan” ay nagsama sa pelikula sina Coco at Julia in 2013 sa pamamagitan ng pelikulang “A Moment in Time”.  Patuloy mang nali-link sa isa’t isa sina Coco at Julia ay wala pa ring pag-amin na nagmumula sa dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.  In the meantime, patuloy sa pag-angat ang respective solo career nina Julia at Coco.

Pagkatapos ng “Walang Hanggan,” muling gumawa si Julia ng teleserye, ang “Muling Buksan ang Puso” in 2013 at “Ikaw Lamang” in 2014 and in 2015 ay kanyang sinimulan ang kanyang afternoon TV series na “Doble Kara”  na tumagal sa ere ng halos dalawang taon.
    
Come January 15, 2018 ay muling mapapanood si Julia in another challenging teleserye, ang “Asintado” kung saan niya kasama sina Paulo Avelino, Aljur Abrenica at Shaina Magdayao.  Kasama rin sa seryeng ito sina Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Nonie Buencamino at marami pang iba.
    
Ang nasabing serye ang makakapalit ng “Pusong Ligaw” na magtatapos na sa darating na January 12.
    
May dalawa ring movie na nakatakdang gawin this year si Julia, one with Alessandra de Rossi na nakatakdang idirek ni  Dondon Santos and another movie with Kean Cipriano, ang “Doctors to the Barrio” na ididirek ng internationally-award winning director na si Brillante Mendoza.
    
Samantala, kahit iniwan si Julia ng kanyang biological dad, ang German national na si Martin Schnittka when she was a baby, nagawa pa rin niya itong patawarin at mahalin matapos silang muling magkita in December 2016 sa isang Italian restaurant in Cubao, Quezon City sa tulong ng kanyang German cousin na si Michelle Lloyd at Coco-Julia fans.
    
Julia is now in constant touch with her German biological dad and his family.
    
Sa edad na 17,  Julia built her own house for her family at nabigyan niya ng parlor business ang kanyang lola.  Si Julia na rin ang tumatayong breadwinner sa kanyang pamilya.          Bukod sa kanyang Lola Flory, siya ang sumusuporta sa kanyang deaf-mute mother na si Gemma Hautea and two younger siblings na sina Patrick at Paulo.
    
Julia looks forward to a busier 2018.

PAULEEN, GUSTO MUNANG TUTUKAN SI BABY TALI

ALTHOUGH hindi pa bumabalik sa kanyang hosting job sa “Eat Bulaga” ang misis ni Vic `Bossing’ Sotto na si Pauleen Luna, dumating ito sa programa last Monday, January 1 kasama ang baby nila ni Bossing na si Talitha Maria or Baby Tali. Tuwang-tuwa siyempre ang Dabarkads sa first baby nina Bossing at Pauleen.
    
Hanggang ngayon ay naka-maternity leave pa rin sa “Eat Bulaga” si Pauleen dahil gusto muna niyang tutukan ang pagiging hands-on mom kay Baby Tali na isinilang last November 6, 2017, four days before Pauleen’s 29th birthday last November 10.
    
Nung Decembr 20 ay sumama si Pauleen sa red carpet premiere night ng Metro Manila Film Festival movie ni Bossing na “Meant to Beh” na ginanap sa Cinema 9 ng SM Megamall.

MAINE, DALAWANG BESES BINATI SI ALDEN

MUKHANG walang special participation si Maine Mendoza  sa naging birthday presentation ng kanyang ka-loveteam na si Alden Richards last Tuesday, January 2 sa “Eat Bulaga” dahil sa halip na ito’y magpunta sa studio to celebrate Alden’s birthday, Maine opted to be with Jo-Wa-Pao (Jose Manalo, Wally Bayola and Paolo Ballesteros) sa kanilang sugod-bahay segment ng “Juan for All, All for One.” Pero nagbigay naman ito ng mensahe sa kanyang perennial screen partner.
    
At kinagabihan, isa si Maine sa personal na bumati sa birthday party ni Alden na ginanap sa kanyang restaurant in Quezon City, ang Concha’s Carden Café.
    
Sa kabila ng ginawang open letter ni Maine sa kanyang Instagram account addressed to her and Alden’s fans kung saan inamin nito na magkaibigan lamang sila liban sa kanilang pagiging magka-loveteam, patuloy pa ring umaasa ang kanilang fans na magkaroon pa rin ng puwang sa kanilang mga puso ang isa’t isa.
    
Alden turned 26 last January 2.

DIETHER, ‘NAWAWALA’ PA RIN

NATAPOS ang taong 2017 pero wala ni isang proyekto sa telebisyon at pelikula ang dating Kapamilya hunk na si Diether Ocampo.
    
Marami ang nagtatanong kung nasa Pilipinas ba si Diether o nasa ibang bansa.  Bago nagtapos ang taong 2017 ay napabalitang magiging Kapuso na umano ito.
    
Si Diether ay huling napanood sa isang TV series ng TV5, ang “Bakit Manipis ang Ulap” na pinagtambalan nila ni Claudine Barretto mula sa direksiyon ni Joel Lamangan nung early party ng 2016.  Since then ay wala nang balita tungkol kay Diether liban sa pagiging abala umano nito sa kanyang itinatag na charity foundation, ang “Kabataang Inyong Dapat Suportahan, Inc.” na kanyang sinimulan in 2006.
    
Tulad ng sa dating kasamahan sa The Hunks na si Piolo Pascual (kasama sina Jericho Rosales, Carlos Agassi and Bernard Palanca), si Diether ay may teen-age son na si Dream sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend.  Guwapo si Dream at artistahin din pero gusto ni Diet na pagtuunan nito ang pag-aaral bago mag-showbiz.  May teen-age son din si Jericho sa dating model na si Kai Palomares na si Santino pero wala pa siyang anak sa kanyang Australian model wife na si Kim Jones.