Hollywood acting coach Ivana Chubbuck amazed sa ABS-CBN ball

October 02, 2018
Ivana Chubbuck and Rahyan Carlos

MASUWERTE ang maraming talents ng Star Magic ng ABS-CBN dahil halos lahat sila ay  sumailalim ng iba’t ibang acting workshops na pinamamahalaan  ng Star Magic Artist Training Head, ang  director at acting coach na si Direk Rahyan Carlos.  As if this is not enough, ang iba sa kanila ay sumailalim din ng special masterclass workshop mula sa internationally-acclaimed Hollywood acting coach at book author na si Ivana Chubbuck  who is in Manila for the third time para muling magsagawa ng special workshop sa 16 Star Magic talents na kinabibilangan nina Mica Javier, Diego Loyzaga, Jameson Blake, Leila Alcasid, Myrtle Sarrosa, Vin Abrenica, Enzo Pineda, Joseph Marco, Nash Aguas, Loren Burgos, Elmo Magalona at iba pa.  Makakasama rin sa masterclass ang iba pang Kapamilya stars tulad nina Bela Padilla, Aljur Abrenica, Christian Bables at JC Santos.

Ang ikatlong masterclass ng Hollywood acting coach na si Ivana Chubbuck ay gaganapin sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ngayong October 6 (Saturday) and October 7 (Sunday).

Si Ivana Chubbuck ay naging acting coach ng mga Academy Award winner at nominees in Hollywood tulad nina Gal Gadot, Halle Berrry, Jared Leto, Sylvester Stallone, Brad Pit, Jim Carrey, Charlize Theron, Beyonce, Jessica Biel, Eva Mendez at si David Ayer na siya ring director ng blockbuster hit movie na “Suicide Squad”.

Bukod sa Hollywood, Ivana has travelled and coached actors (both start-up and professional actors) in different countries including the Philippines.  Siya rin ng author ng best-selling book na “The Power of the Actor” which was translated into 18 languages.

Ang pagdating sa Pilipinas ni Ivana ay ikatlong beses  na niya. She first came over in 2014 na sinundan in 2016  sa imbitasyon ng ABS-CBN.

She also had the chance na makadalo at maka-experience ng kauna-unahang ABS-CBN Ball last Saturday, September 29 na ginanap sa Makati Shangri-La which she found enchanting and amazing.

Samantala, ang two-day masterclass ni Ivana ay dadaluhan din ng mga executives ng Kapamilya Network, directors, business unit heads at film enthusiasts para personal din nilang masaksihan ang transformation ng mga actor na kalahok pagdating sa kanilang acting.