5,859

Holding hands!

  • Written by IFF
  • Published in Showbiz
  • Read: 558

SUMABOG sa good vibes at kilig ang Instagram accounts kahapon nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion
nang mag-post sila ng dalawang  litrato na ang isa ay magka-holding hands pa.

Apparently, kuha ang mga iyon sa sinasabing meeting ng dalawa sa Star Cinema para sa
pelikula na muli nilang pagtatambalan  since Tayong Dalawa years ago.
    
Walang ibinigay na detalye ang ShaGab tandem tungkol sa gagawing project, kaya medyo bitin
din ang kanilang fans.
    
Nagkasya na lang muna ang mga ito sa pag-asa na sa wakas, matutuloy na rin ang naudlot na
screen reunion ng dating mag-asawa.
    
Cute na parang conscious si Gabby sa inilabas na “holding hands” pic kaya sa pati pangalan
niya ay inilagay na hashtag: “goodvibes #goodvibesonly #forgiveness #goodolddays #holdinghands #wow
#gabbyconcepcion.”
    
Matatandaan na naunsyami ang dapat sana’y muling pagsasama nila sa pelikula dahil sa ka-
busy-han ni Gabby.
    
Hanggang sa gumawa na nga sila ng TV commercial para sa isang fast food chain na talaga
namang naging hot item sa loob at labas ng showbiz.
    
Katunayan, milyun-milyon na ang views ng TVC, kaya naman kung gagawa nga sila ng reunion
movie, ito na ang pinakamagandang timing.
    
Samantala, bago ang dalawang litrato na gumiba sa mundo ng Sharon-Gabby fanatics, nag-post
ang aktres-singer ng makahulugang quote na “The darker the night, the brighter the stars, the deeper
the grief, the closer is God” Miyerkules ng gabi.
    
Sa caption ay sinabi niyang meron nga siyang malaki at importanteng meeting kinabukasan.
    
“Can you please pray that it go very, very well? I promise you that if it does, YOU will be
VERY happy! Only if it’s God’s will. Please pray with and for me, okay? Goodnight everyone! No se
nada. Pero Dios lo hace. My hope is that mañana sera un dia masaya. Hahaha!”