Hiwalayang Harlene-Romnick matindi ang dahilan

October 06, 2018
Romnick Sarmenta at Harlene Bautista

NAISULAT na namin sa pamamagitan ng blind item ang paghihiwalay ng isang couple na ito recently  na halos dalawang dekada nang kasal at nagsasama bilang mag-asawa at may limang anak. Pero ngayon ay lumabas na rin ang pangalan ng (dating) mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmenta.

Naging witness ang marami nilang malalapit na kaibigan sa pag-iibigan nina Harlene at Romnick at walang mag-aakala na mauuwi rin pala sa hiwalayan ang lahat. Nasaksihan nila kung gaano kamahal ng mag-asawa ang isa’t isa ganun din ang kanilang mga anak.

Kung nalungkot ang mga kaibigan ng dating mag-asawa sa kanilang paghihiwalay, mas laluna ang dalawang nakatatandang kapatid ni Harlene na sina Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista at QC Councilor Hero Bautista dahil bukod sa bunso ay mag-isa nilang kapatid na babae si Harlene.

Tiyak na may matinding dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Harlene at Romnick.