Hiwalayang Cristine-Ali, lutang na lutang na

October 11, 2018
Cristine Reyes
Cristine Reyes

AS early as April this  year ay may mga lumulutang nang balita na hiwalay na ang mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi but neither party confirms nor denies the said allegation.  Pero kahit hindi nagsasalita ang dalawa, marami ang nagsasabi na matagal na umanong hiwalay ang dalawa at lalo pang lumakas ang haka-haka ng marami nang baguhin ni Cristine ang kanyang username sa social media from @mrscristinekhatibi to @cristinereyesss.

Ang (estranged?) couple na sina Cristine at Ali ay may three-year-old daughter na si Amarah na isinilang nung February 8, 2015 bago pa man sila nagpakasal nung January 27, 2016 na ginanap sa Balesin Island.

Tulad ni Sam Concepcion na kamakailan lang din nahiwalay sa ex-girlfriend na si Kiana Valenciano, tila naka-relate din si Cristine sa latest released movie under Viva Films, ang “Para sa Broken Hearted” na dinirek ni Digo Ricio.  Pero hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng singer-actress na may kinalaman sa balita.

Mukhang bukod sa kanyang anak na si Amarah, focused ngayon si Cristine sa kanyang career.  May special guest appearance siya sa bagong magsisimulang afternoon TV series ng Kapamilya Network, ang “Los Bastardos” at malapit na ring magsimula ang bago niyang TV series, ang “Nang Ngumiti ang Langit” kung saan niya kabituin sina Enzo Pineda at RK Bagatsing kasama ang Indie actor na si Vance Larena, Keempee de Leon, Matet, Pilar Pilapil, Dante Rivero at iba pa sa ilalim ng unit head na si Direk Ruel Bayani.