6,437

Hirit ni Robin, sinagot ni Gabby

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 741

Naaliw kami sa kuwento ni Director Laurice Guillen na nang mag-taping sila ng Ika-6 Na Utos sa Sta.
Lucia Mall, nakita niya kung paano mag-swoon ang fans na may edad 50 pataas kay Gabby Concepcion. 

May napapalakpak, may napasigaw at may mga kinilig lalo na ’yung first time nakita sa personal
ang aktor.
    
Kaya naniniwala si Direk Laurice na ’yung ibang avid viewers ng number one daytime drama ay
fans lang ni Gabby.

Of course, plus factor ang story, husay umarte ng buong cast at ang bumubuo ng cast.
    
Samantala, one year nang airing noong December 5 ang Ika-6 Na Utos at ang latest, baka sa
February 2018 pa ito magtapos.

Kung patuloy na mataas ang rating, baka ma-extend uli.
    
Walang reklamo si Gabby na wala na siyang magawang ibang project dahil dito. Hindi siya
makagawa ng pelikula habang hindi pa tapos ang soap dahil minsan, five times a week ang kanilang
taping.
    
“There’s no room to complain. Ang daming blessings na ibinigay sa akin ang show na ito para
magreklamo pa ako. Dito natupad ang dream kong maging piloto at mag-portray ng taong wala sa sarili.
Plus, nanalo pa ako ng acting award. Ang sama ko naman kung magrereklamo pa ako,” wika ni Gabby.

Anyway, sa nabanggit ni Robin Padilla na para kay Gabby ang Star Cinema movie nila ni Sharon
Cuneta na Unexpectedly Yours, sabi ni Gabby, kay Robin talaga ang pelikula dahil iba ang story ng
movie na gagawin sana nila ni Sharon.

* * *

Ang beking kapatid ang peg ni Edgar Allan Guzman sa role niyang si Mark sa MMFF entry na Deadma
Walking.
    
Sabi ni Edgar, hindi na siya naghanap pa ng iba, ang kapatid na ang inobserbahan at ginaya ang
kilos at pananalita.
    
Pang-apat na gay role na ito ni Edgar at rason kung bakit nagdalawang-isip siyang tanggapin
ang pelikula. Ipinabasa sa kanya ng manager niyang si Noel Ferrer ang script. Nang makitang
maganda ang story, naka-relate siya sa karakter ni Mark at doon siya nag-decide na tanggapin ang
pelikula.
    
“Sa meeting, nagmakaawa kami na sa amin na ibigay ang pelikula. Parang ang sarap gawin ng
karakter ni Mark at ang sarap paglaruan,” sabi ni Edgar.
    
Nabanggit sa presscon na ang peg ng writer na si Eric Cabahug sa mga karakter nina Mark at
John ay sina Aga Muhlach at Roderick Paulate.
    
Ang role naman ni Dimples Romana ay si Maricel Soriano.
      
Unang in-offer kina John Lloyd Cruz at Dingdong Dantes ang movie (hindi sinabi kung aling
karakter), hindi lang natanggap ng dalawa dahil sa conflict of schedule.
    
Pinanood ni Alexander Lee, kasama ni Edgar sa My Korean Jagiya, ang Deadma Walking at kahit
walang subtitle, naintindihan pa rin nito through eye and body language.
    
Naiyak pa raw si Alexander at nakita niyang may bakas pa ng luha ang pisngi nito.
    
Sa last presscon ng Deadma Walking, maraming nalaman ang press people, gaya ng inamin ni Edgar
na gaya ni Joross Gamboa, nag-ipit din siya ng... ’yun na!

* * *

Nabasa namin ang post ni Girlie Rodis sa socmed na “It’s UNANIMOUS!!! We are GRADED A by the Cinema
Evaluation Board (CEB). Mga ate, kuya, tita, tito, lolo, nene, totoy, at bantay, ano pa ang hinihintay
n’yo? NOOD NA NGAYONG PASKO! Thank you members of the #CinemaEvaluationBoard for our unanimous #RatedA
rating!”
 
Sabi naman ni Rachel Alejandro: “The glowing reactions after watching our film filled our hearts
with hope that we may just have a hit in our hands. We open Dec. 25.”