Highlights and sidelights at ABS-CBN Ball

September 30, 2018
ABS-CBN Ball 2018

STAR-studded ang kauna-unahang ABS-CBN Ball last Saturday, September 29 na ginanap sa Rizal Ballroom ng Shangri-La Hotel Manila in Makati City, isang fund-raising event para sa relaunching ng Bahay Bata 163 Children’s Village na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan, ang tahanan ng mga abused, exploited and neglected children.

Tila nagsibabaan sa lupa mula sa langit ang naglalakihang stars tulad nina Coco Martin, Vice Ganda, Anne Curtis (with husband Erwan Heussaff), Judy Ann Santos and husband Ryan Agoncillo, Piolo Pascual, Zanjoe Marudo, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, Liza Soberano and Enrique Gil, James Reid and Nadine Lustre, Maymay Entrata, Alice Dixson, Inigo Pascual and Maris Racal, Loisa Andalio and Ronnie Alonte, Kisses Delavin and Donny Pangilinan,  JM de Guzman at Barbie Imperial, Angelica Panganiban and Carlo Aquino, ang mag-iinang Sylvia Santos, Arjo and Ria Atayde, Bea Alonzo and Gerald Anderson, Pokwang, Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli, Julia Barretto and Joshua Garcia, ang mga beauty queens na sina Pia Wurtzbach, Maxine Medina at Catriona Gray, Jericho Rosales, Alex Gonzaga with boyfriend Mikee Morada,  ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, Albert Martinez,  Angel Locsin, Yassi Pressman, Morisette Amon, Amy Austria, Christian Bables, Ylana Garcia, Karl Gabriel, Jona, Jaya, Albie Casino, Mark Neumann, Diego Loyzaga,  Amy Perez, Mylene Dizon, Kira Balinger, Patrick Garcia, Antoinette Taus, Isabelle Daza, Robi Domingo, Gretchen Ho, Arci Munoz, King of Talk Boy Abunda,  and Carlo Aquino, Shaina Magdayao, ang mag-asawang Robin Padilla and Mariel Rodriguez, Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, KZ Tandingan, Yeng Constantino, Janine Berdin, Billy Crawford and wife Coleen Garcia, Maja Salvador, Jayda Avanzado, Marlo Mortel, Hashtags members, Jay-R with Girl Trends Mika, Jayson Gainza, Dominic Roque, Leila Alcasid, Khit Thompson, Jameson Blake, Nyoy Volante, Jeric Raval, Cristine Reyes, Michelle Vito, Fourth Pagotan, Khalil Ramos, Zaijan Jaranilla, Sofia Andres, Ritz Azul, Janice de Velen, Aaron Villaflor, Erik Santos, Ryle Paolo Santiago, Vivoree Esclito with Charles Kieron, Darren Espanto, Neil Coleta, Anjo Damiles, JC Santos, Myrtle Sarrosa, Alexa Ilacad, Sharlene San Pedro, Bela Padilla, Sue Ramirez, Erich Gonzales, Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Denise Laurel, John Prats, Ian Veneracion at maraming iba pa.

Dumating ang mag-amang Ogie Alcasid at Leila Alcasid kasama si Regine Velasquez kaya marami ang nagsabi na kumpirmado na ang paglipat ng Asia’s Songbird sa bakuran ng Kapamilya Network.  First time namang dumalo na magkasama ang magkasintahang Matteo Guidicelli at ang Pop Princess na si Sarah Geronimo ganundin  ang mag-ex na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.  Although hindi pa sila couple, magkasama ring dumating sa nasabing event sina JC Santos at Myrtle Sarrosa.

Sa isinagawang ABS-CBN news poll, ang mag-ex (na tila nagkabalikan na) at lead stars ng pilipilahang movie ngayon na “Exes Baggage” na sina Angilica Panganiban at Carlo Aquino ang tinanghal na “Couple of the Night” besting other couples na sina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla maging sina Liza Soberano and Enrique Gil.  Si Maymay Entrata naman ang nanalo ng “Belo Beautiful Award” among the female celebrities na dumalo.  Naroon din siyempre ang mga top executives ng ABS-CBN na pinangunahan ng chairman emeritus na si Gabby Lopez.

Everybody looked stunning  ng gabing `yun at tila nagpatalbugan din ng mga naggagandahang kasuotan ang mga stars na dumalo na suot ang mga gawa para sa kanila ng mga kilalang fashion designers including Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco, Francis Libiran, Jun Escario, Ezra Santos, Michael Leyva at iba pa.  Sa mga kilalang fashion designers, mukhang isa si Michael Cinco sa may pinakamaraming nagawang gown ng mga celebrities na dumalo sa ABS-CBN Ball at kasama na rito sina Vice Ganda, Bea Alonzo at Kim Chiu.

Ipinakita naman ng ex-couple na sina Robi Domingo at Gretchen Ho ang kanilang professionalism sa kabila ng kanilang paghihiwalay last March 2018.

Naintriga man ang relasyon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson na kamuntik mauwi sa hiwalayan, ipinakita ng dalawa na naayos nila ang problema sa kanilang pagitan.

As in the past events ng dating Star Magic Ball, mag-isang dumating sa ABS-CBN Ball ang bida ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin without his long rumored girlfriend na si Julia Montes.

Nagsilbing host ng event ang King of Talk na si Boy Abunda at nag-perform naman ang Concert King na si Martin Nievera, Jona, KZ Tandingan, Yeng Constantino, Janine Berdin, sina Billy Crawford and Inigo Pascual along with their partners na sina Coleen Garcia at Maris Racal.

Ang taunang Star Magic Ball na nagsimula nung 2006 ay ginawa nang ABS-CBN Ball para maimbitahan din ang mga stars ng Kapamilya Network na hindi nasa ilalim ng pamamahala ng Star Magic na siyang talent management arm ng ABS-CBN.  At dahil sa malaking tagumpay ng first ever ABS-CBN Ball, tiyak na taun-taon na ito gaganapin.  Marami ring mga first timer na dumalo sa nasabing star-studded event at kasama na rito ang pagdalo na magkasama ang magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.  The couple is in a relationship for five years now and they celebrated their 5th anniversary recently in Italy.