Heart rumampa, isa sa best-dressed sa NY Fashion Week

September 12, 2018

MATAPOS dumalo sa Fashion Week in Paris, France last July na naging daan ng kanyang pagkaka-feature sa Harper’s Bazaar Magazine (September 2018 issue) sa pamamagitan ng popular Singapore-born but New York-based writer-author na si Kevin Kwan (who wrote the best-selling book “Crazy Rich Asians” which was made into a movie which opened in the U.S. last August 15 at sa Pilipinas nung August 22), muli na namang gumawa ng ingay si Heart Evangelista matapos itong dumalo sa New York Fashion Week  at sa ICONS Party ng Harper’s Bazaar na ginanap sa Plaza Hotel in New York City, USA kamakailan lamang. 

Hindi kaila sa marami na isa si Heart sa maituturing na fashion icons among the Filipino celebrities considering na mas kilala siya bilang singer, actress, commercial model at painter at hindi bilang ramp model.

Kilala si Heart sa pagkakaroon ng magandang fashion sense dahil na rin sa kanyang pagiging artist and her association with popular fashion designers and stylists.  Idagdag na rin dito ang kanyang magandang mukha at hubog ng katawan kaya lalong nai-enhance ang anumang isuot niya.

Dinaluhan  ang naturang event ng mga kilalang celebrities sa larangan ng fashion kung saan nakipag-rubbing elbows ang misis ni Sen. Chiz Escudero.  Naroon ang world-renowned American designer na si Kenneth Cole, ang socialite model-singer and hotel heiress na si Paris Hilton, ang American actress-model na si Kate Bosworth, ang Malaysian actress na si Scha Alyahya, Nicki Minaj, American fashion model Gigi Hadid, ang Brazilian model-actress na  Adriana Lima, ang American singer-songwriter-actress na si Christina Aguilera, American model Kendall Jenner, American rapper na si Cardi B. and who’s who in the fashion industry in New York at iba pang lugar.

Sa naturang event nagkaroon ng away sa pagitan nina Nicki Minaj at Cardi B na agad namang naawat.

Dumalo si Heart kasama ang kanyang kaibigang fashion stylist na si Katrina Cruz sa Harper’s Bazaar red carpet where she was listed by The Cut and Elle fashion magazines as one of the best dressed nung gabing `yon clad in her black Mark Bumgarner couture gown.

Heart who is featured in the September 2018 issue of Harper’s Bazaar fashion magazine written by Kevin Kwan when she attended the Paris Fashion Week last July is getting known in the fashion circle hindi lamang sa Paris kundi maging in New York, isang rare opportunity sa isang Filipina celebrity.

Tagged Under