5,987 guests

Heart, paggawa ng baby ang susunod na project!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 378

Simula na ng trabaho ni Kris Aquino bukas, but checking her Instagram (IG) yesterday, may sipon siya
dahil sa change of temperature. For sure, this Wednesday, magaling na si Kris para sa mga naka-
schedule niyang trabaho.

Checking Kris IG, positive ang comments at sinabayan ito ng very positive message niyang,
“Everything good happening in my work now, apart from the can do & everything’s possible attitude of
my KCAP team -- i give the unwavering LOVE of these 2 boys (Josh & Bimb) all the credit. God truly
blessed us w/ the faith & strength to know 2018 can only keep getting better. #family #lovelovelove.”
    
Gaya ng nasulat ni Leo, may bagong five new endorsements this  year si Kris at kabilang yata
ang isa sa big endorsement deal niya na sa abroad ang shoot ng TVC. Maghintay lang tayo ng kanyang
announcement kung ano ito.

* * *

May followers sa socmed si Heart Evangelista na nakahula kung ano ang ibig niyang sabihin sa post na
“Started 2018 in the arms of my husband. So excited for our little project this year...Love you.”
    
“Baby” ang hula sa binanggit ni Heart na “little project” na sinabi naman niya sa interviews
last year na by January this year, ready na siyang magka-baby sila ng asawang si Sen. Chiz Escudero.
    
Walang preference ang mag-asawa kung baby girl o baby boy ang baby nila, basta healthy.
Isang anak lang ang gusto ni Heart, pero tiyak  na magbabago ang isip nito ’pag nagkaanak na sila.
    
Samantala, last nine days na ng My Korean Jagiya dahil sa January 12 na ang ending nito.
Ilang days na lang ang taping sa hit rom-com series nina Heart at Alexander Lee. Wish ng viewers,
magkita na sina Gia (Heart) at Jun Ho (Alexander) bago ang ending para may happy moments muna sila
bago ito magtapos.

* * *

Pinost ni Noel Ferrer, manager ni Joross Gamboa, ang bagong poster ng pelikulang Ang Dalawang Mrs.
Reyes na kung saan si Joross ang love interest ni Judy Ann Santos at gaganap na asawa ng aktres. Bago
ang poster at bago na rin ang billing.
    
Pangalan na ni Joross ang nasa ilalim ng name ni Judy Ann at name ni JC de Vera ang nasa
ilalim ng pangalan ni Angelica Panganiban bilang silang dalawa naman ang magkatambal sa nasabing
pelikula na showing sa January 17.
    
Naka-post na rin sa Instagram (IG) ni Joross ang bagong poster na inayos ang billing nila ni  
JC.
    
“Thank you again and again Lord Jesus Christ! Pangarap ko lang dati namaktrabaho si
@official-juday, masaya nako kahit sampalin lang niya ako tapos exit frame nako. Pero ang maging
asawa siya sa pelikula #grabe yun plus makasama ko pa ang aking matalik na kaibigang si @iamangelicap
na isa sa pinakamagaling na artista sa aming henerasyon! Plus ang tropa ko na basketball buddy na may
napaka-sarap na resto @akosijc-deberat ay panalo itong movie na ito! #angdala-wangmrsreyes.”
    
Baka mag-abot pa ang showing ng Ang Dala-wang Mrs. Reyes at Deadma Walking dahil marami pa
ang nanonood ng MMFF entry nina Joross at Edgar Allan Guzman.