5,050 guests

Heart, nahihilig sa baril

  • Written by Nel Alejandrino
  • Published in Showbiz
  • Read: 214

HINDI pa sila, pag-amin ni Rayver Cruz tungkol sa tsismis na may relasyon na sila ni Janine Gutierrez. In fact daw, kung ranking ang pag-uusapan, kung how far na ang panliligaw na ginagawa niya kay Janine, he’ll give himself a grade of 7 out of 10 being the highest.

Yet, Rayver doesn’t deny that the two of them are close. She was his date in the last Star Magic ball, remember?

Pag-amin pa ni Rayver, si Janine lang ang babaing kanyang nililigawan. And hopefully daw, siya lang din ang tanging manliligaw ni Janine na ini-entertain nito.

Likewise, Rayver denies na lilipat na siya ng TV network. Napabalita kasi that after 18 years of being a Kapamilya, he will sign up with GMA 7.

Well, in the same way, idini-deny din ni Janine that she will soon cease to be a Kapuso.

* * *

Kasama nga ba si Angel Locsin sa small entourage ng mga celebrity na tumungong New Zealand to attend the wedding ni Anne Curtis kay Erwan Heussaff which will happen daw today (Nov. 12) or baka nangyari na rin kahapon (Nov. 11)?
    
Do we hear wedding bells, too?
    
Since hindi lately napapanood sina Vice Ganda at Billy Crawford as hosts ng It’s Showtime, possible daw kayang nasa New Zealand din sila?
    
Well, this we will find out soon.

* * *

Magaling na sa shooting si Heart Evangelista.
    
Sa kanyang biglaang practice, nagpakita siya ng liksi at confidence sa pagbaril.
    
Ang mister niyang si Sen. Chiz Escudero ang nag-encourage sa kan-yang sumubok sa shooting.
    
Nu’ng minsan ay nasa Kasanggayahan Firing Range ang mag-asawa.
    
“Please, excuse the getup! Impromptu practice shooting at the Kasang-gayahan Firing Range with Maning Frivaldo and the hubby,” caption ni Heart sa kanyang Insta-gram post habang bumabaril suot ang white polo at black pants na parang bagay naman sa kanyang ginagawa.
    
Tanong tuloy ng followers niya, meron pa kaya siyang hindi kayang gawin?
    
Ito ay bukod sa kaabalahan niya sa pagpu-promote ng My Korean Jagiya, pagpipinta at inaayos pa niya ang negosyong maglu-launch sa kanyang sariling home and clutch line.
    
Kinumpirma na kasi ni Heart na tuloy na ang kanyang Maison Love Marie.
    
“I am working on two major things: my home line [with] plates and candles, and my clutch line, which is gonna be so nice! I am designing everything and we are making things happen.
    
“I’ve been working on this for almost two years now. It’s not easy, but I want quality,” pahayag niya sa interview ng preview.ph.
    
“I am already looking for an office and starting to hire more people to help me out. This is it! It’s going to be a company, and I think this is the best decision I have ever made,” dagdag pa niyang sabi sa interview ng preview.ph.
    
Eh, kagagaling lang niya ng Japan kung saan personal niyang nakilala ang sikat na Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe.
    
“It’s such an honor to meet Prime Minister Shinzo Abe,” sabi ni Heart sa photo nila.
    
Bukod pa ’yan sa pagiging ambassador niya ng iconic brand na Carolina Herrera.
    
Kamakailan lang ay nasa Sorsogon naman siya para sa proyekto ng mister.
    
“I’m over the moon happy for my CPAS angels. Finally, there is a center here in #Sorsogon that will cater to their needs in a more proper environment. My husband Chiz facilitated the construction of the CPAS center, and we inaugurated it a few days ago with Nanay Evie, the doctors and other officials.
    
“It’s such a big blessing to do this with them as well as my family here in Sorsogon! Ang saya kong nagkita-kita na tayo ulit! Sana, mas marami pang makapagpa-konsulta at magpatingin dito. Maituturing niyong pangalawang tahanan itong center. Mahal namin kayo.”
    
Wow, sa rami nang ginagawa niya, may time pa ba siyang magbuntis? Nag-pramis na si Heart na wala nang urungan ang pagbuo nila ng baby ng senador na asawa next year.
    
Abangan natin.