Hands on!

September 25, 2018
Jolo Revilla, Luigi & Bryan

Bong, tinutukan ang launching movie nina Jolo, Luigi  at Bryan

Ngayong araw na ito, Sept. 25, ay kaarawan ni former Sen. Bong Revilla who as we all know ay apat na taon nang nakakulong sa Camp Crame. And timing naman na kahapon ay nagkaroon ng grand presscon ang action trilogy film na Tres na pinag-bibidahan ng tatlo niyang anak na sina Bryan, Jolo and Luigi Revilla kaya natanong ang mga ito kung ano ang nararamdaman nila na hanggang nga-yon ay hindi pa na-kakalaya ang ama at magbe-birthday na naman sa kulu-ngan.

“Sana kasama namin siya ngayon dito,” ani Bryan na bida sa episode na Virgo. “For the past few films that we did with Imus Productions, kasama namin lagi siya, eh. And the fact na hindi namin siya kasama, medyo iba ’yung feeling.

“And 4 years na rin din siya sa loob ng Camp Crame, of course, malung-kot, pero even though na kahit malungkot, you know, we still have high spirits knowing the fact na we know one day, everything’s gonna get better.”

Ayon naman kay Luigi, talaga raw mahirap ito para sa kanila but the good thing is, kahit daw nasa loob ng kulungan ang kanilang ama, all out pa rin ang support nito sa kanila.

“Since day 1, nandu’n siya, from the scriptwriting, he approves everything. Although siyempre, hindi niya pwedeng makita lahat kasi siyempre, bawal naman mapanood ’yung movie, pero kinukuwento na lang namin and ng mga directors kung paano ba ang istorya, how everything’s going and proud naman siya sa amin.

“And never siyang nag-kulang sa amin. He was there to support us since day 1. And we’re just really happy and blessed that he gave us the opportunity to topbill in our own movie,” pahayag ni Luigi na bida naman sa Amats episode.

Halos ganito rin ang sinabi ni Jolo na aniya, kahit nakakulong ang ama ay napakalaki ng partisipasyon nito sa pelikula.

“Mas maganda ’tong pelikulang ’to kung siyempre kasama naming si Bong Revilla. Kumbaga, ginawa namin ’to para sa kanya, and of course, para makatulong din tayo sa industriya ng aksyon dito sa movie industry.

“But of course, wala kaming masasabi sa kanya. Dahil ultimo nga sa paggawa ng script, halos every week, pinapupunta niya do’n ’yung mga scriptwriters saka mga directors. Ganu’n siya katututok. Hanggang sa huli.

“At siyempre, si Tito Marlon (Bautista, kapatid ni Bong), lagi rin niyang pinapapunta sa Crame para itanong kung kamusta ba ’yung editing, kamusta ’yung sa ganun’g eksena kasi talagang tinitingnan niya lahat ’yung bawat eksena kasi hindi niya pwedeng mapanood,” sabi ni Jolo.

Sobrang hands on daw talaga ang ama nila sa Tres at alam niyang mahirap ito sa sitwasyon ng ama komo nga hindi nito personal na nakikita ang ginagawa nila.

“Pero siyempre, isang malaking sorpresa ito para sa kanya dahil sobrang ganda ng pelikula at pinaghirapan ng lahat ng nagtrabaho para rito and of course, most especially, the directors,” sey pa ni Jolo.

Bagama’t masakit din daw na hindi mapapanood ng ama nila ang movie at kahit siyempre sa red carpet premiere night ay hindi ito makakadalo pero alam nilang in due time ay mapapanood nito ang movie dahil from Jolo’s mouth himself, malapit na raw lumaya ang daddy nila.

“In due time, alam namin na malapit na ’yun, ayaw lang naming siyempreng pangunahan ’yung husgado. But we all know. Lumabas na ’yung dapat lumabas at lumabas na rin ang katotohanan. Prayers na lang,” ani Jolo.

Birthday wish ni Jolo for his father na kung pwede lang daw sanang maibalik ang lahat ng oras na nawala during those times na nakakulong ito.

“Kung pwede lang maibalik ‘yung mga oras na nawala, kung pwede lang mabalik dahil siyempre ang tagal niya du’n, eh. Kung paano kami makapag-spend time sa kanya dito sa labas.

“And I’m very sure, if he’s out, he’d be doing a lot of movies,” saad pa ni Jolo na bida sa episode na 72 Hours.

At siyempre, kasama rin daw sa birthday wish nila para sa ama na kumita ang pelikulang Tres na showing na ngayong October 3 mula sa direksyon nina Dondon Santos (for 72 Hours and Amats episodes) and Richard Somes (for Virgo episode).

Tagged Under