Halikan at laplapan, trending ngayon

November 10, 2018
Angel Aquino and Tony Labrusca
Angel Aquino and Tony Labrusca

KARAMIHAN daw ng Pilipino ay ‘malibog.’

Ito raw ang dahilan kung bakit mainit na pinag-uusapan ang kissing scene nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa pelikulang "Glorious." The digital movie produced by November 17. Trending ang paghalik ni Tony kay Angel dahil sa kanyang labas-dilang paghalik. Na dahilan para tawagin siyang bagong George Estregan ng entertainment columnist na si Dindo Balares. Sa totoo lang, hindi ako nalaswaan sa paglabas niya ng dila.

Isa pang putok na putok sa social media ngayon ay ang Halik, na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby. Pagtataksil sa asawa o pangangaliwa ang tema ng teleseryeng ito. Patok sa netizens ang mga maiinit na eksena; lalo na ang mga tarayan nina Jade (Yam) at Jacky (Yen). Naka-jackpot ang dalawang aktres sa teleseryeng ito dahil napansin ang kanilang galing sa pag-arte. At gaya ng inaasahan, pinatunayan ni Jericho kung gaano siya kahusay bilang aktor. Maging si Sam, bumagay din ang kanyang malibog na karakter bilang si Ace.

Both Glorious and Halik prove that sex really sells. Muli kayang mauuso ang paggawa ng bold movies? Just asking...

Disclaimer:
Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj @yahoo.com