5,334 guests

Gulo sa Star Magic basketball game, inaayos na

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 582
Daniel Padilla Daniel Padilla

MARAMING fans ni Daniel Padilla ang nag-react sa mga patutsada ng kapwa niya Kapamilya na si Paul Salas on Twitter na may kinalaman sa All Star Basketball Game last Sunday na ginanap sa Big Dome kung saan nagkagirian sina DJ (Daniel) at JC de Vera.  Si Daniel ang leader ng Red Team habang si Gerald Anderson naman sa Blue Team.

Isang klase ng sport ang basketball although at times ay nagkakaroon ng pisikalan, ito’y bahagi na ng laro pero dapat walang personalan.  Ginawa ito ng Star Magic para magkaroon ng bonding among their talents.

Ang Kapamilya young actor Paul Salas ay siyang nagsimulang mam-bully kay Daniel sa pamamagitan ng Twitter at nang ito’y makarating kay DJ, hindi niya ito pinalampas.  Bukod sa mga fans, nag-react din ang ilang kasamahan at mga kaibigan ni Daniel na sina Marco Gumabao, Patrick Sugui at Anjo Damiles.  Maging ang respective girlfriends nina Daniel at Paul na sina Kathryn Bernardo at Barbie Imperial were already taking sides.

Nang mabasa naman ng ina ni Daniel na si Karla Estrada na hindi na maganda ang takbo ng patutsadahan ng magkabilang kampo sa Twitter ay nag-tweet din siya sa kanyang Twiiter account: “Tama na guys.  Matulog tayo nang mahimbing. Lilipas din lahat yan at tayo rin ang magkikita sa dulo”.

Tapos na ang games last Sunday, dapat nagtapos na rin doon kung ano mang girian meron sila at hindi `yung meron pang bullying at hamunan na hindi naman kailangan lalupa’t nasa iisa silang kuwadra.

Tiyak na papasok sa `gulo’ ang Star Magic para ayusin ang lahat.

RICKY, AYAW PATULAN SI KRIS

AYAW patulan ng veteran at respetadong entertainment editor/columnist na si Ricky Lo (ng Philippine Star) ang sunud-sunod na birada sa kanya sa pamamagitan ng  Instagram account ni Kris Aquino  na may kinalaman sa headline at sinulat ni Ricky sa kanyang column a few days ago  sa hindi umano  pagsipot ni Bimby sa first birthday party ng half-brother nitong si Michael James, first born nina James Yap at kasintahan nitong Italian na si Michela Cazzola.
    
Sa halip daw na mag-post si Kris ng mga mensaheng laban kay Ricky, sana raw ay nagpaliwanag na lamang ito (Kris) kung bakit hindi dumating si Bimby sa birthday party ni MJ which she usually does kaysa awayin  niya si Ricky who’s been a friend  and supporter throughout her entire showbiz career.
    
Since okey na sina Kris at Bimby kina James at Michella, marami talaga ang nag-expect na makikita si Bimby sa first  birthday party ng kanyang  nakababatang half-brother na si MJ.
    
But as a mother, she has all the right to protect and defend her sons  in any way she can.  Ang nakakalungkot lang ay nasira ang matagal na niyang relasyon with Ricky.
    
Ganunpaman, umaasa pa rin kami na masi-settle din whatever differences Kris has now with Ricky  kapag nag-die down na ang issue.
    
Si Ricky Lo, by the way, ay imbitado at isa sa dumalo sa first birthday party ni MJ na ginanap sa Blue Leaf Pilipinas in Parañaque City kahit malayo last Saturday afternoon, August 12 upon the invitation ng couple.  But it turned out na pati si Michela ay nagalit din sa sinulat ni Ricky na kung tutuusin ay wala namang masama.

FACIAL ENHANCEMENT NI ARCI, NO BIG DEAL

KUNG totoo mang nagpa-enhance sa kanyang nose and lips ang Kapamilya sexy star na si Arci Muñoz, hindi ito big deal dahil hindi lang naman siya (Arci) ang gumawa nito.  If she thinks na masaya siya and she feels confidently (more) beautiful (pahiram Pia Wurtzbach) bakit hindi?
    
In this day and age, ang beauty enhancement ay tila natural na sa mga kababaihan (and even men) laluna those who can afford certain medical procedures.
    
Hindi na kailangan pang mag-react si Arci sa mga puna at  bashing sa kanya kung masaya naman siya sa ginawa niya.  After all, she owns up kung anuman ang gusto niyang gawin sa kanyang mukha.

CHRISTIAN, WALANG PROBLEMA SA FRONTAL NUDITY

WALANG keber si Christian Bables kung magkaroon man siya ng frontal nudity sa isang pelikula kung ito ang hinihiling na istorya at ng director.  Bilang actor, naniniwala si Christian  na hindi basta-basta ipapasok ang isang nudity scene kung hindi ito kinakailangan sa eksena at istorya.
    
Si Christian ay nasa pangangalaga na ngayon ng The IdeaFirst Company ng mag-partner na Jun Lana at Perci Intalan who is into talent management na rin.
    
Bukod kay Christian, talent na rin ng The IdeaFirst Company sina Cedrick Juan at Adrianna So (dating Malak So) at lima sa fast-rising writers-directors na pinangngunahan ng writer-director ng surprise hit movie na “Kita Kita” na si Sigrid Andrea Bernardo along with Prime Cruz, Miko Livelo, Ivan Andrew Payawal at Dominic Lim.

HEART, GUSTONG MAGKAROON NG SARILING ANAK

MAHIGIT dalawang taon nang kasal at mag-asawa sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak.
    
Pero sa taong 2018, umaasa ang mag-asawa na magkakaroon na sila ng baby dahil pagkatapos ng “My Korean Jagiya” ay balak ni Heart na pansamantalang magpahinga muna sa paggawa ng serye.
    
Si Sen. Chiz ay may dalawang anak (Joaquin at Ma. Cecilia) sa una nitong asawang si Tintin Flores na kapisan na ngayon ng mag-asawang Sen. Chiz at Heart. Pero gusto pa rin siyempre ng couple na magkaroon ng sarili nilang anak.

ALEXANDER, ’DI ALAM NA PATAY NA SI KUYA GERMS

NALUNGKOT ang leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya na si Alexander Lee nang malaman niyang sumakabilang-buhay na ang Master Showman at host ng now-defunct late night show na “Walang Tulugan with the Master Showman” na si German `Kuya Germs’ Moreno.
    
Alexander and his former group, U-KISS, had a chance na makapag-guest sa programa ni Kuya Germs nung sila’y magtanghal sa Pilipinas in 2010.  Katunayan, gusto ni Alexander na muling mag-guest sa programa ni Kuya Germs. Kaya nabigla siya nang sabihin sa kanya na namayapa na ito in January 2016 at wala na rin ang programa nito.