7,862

Greta, nasa ‘patola’ mode pa rin

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 271

In “patola” mode pa rin si Gretchen Barretto dahil halos araw-araw yata ay may sagot siya sa mga namba-bash sa kanya kahit ang dami nang nag-a-advise sa kanya na dedmahin na lang ang mga ito.

Matatandaang last week ay nag-Instagram live pa si Greta para mag-apologize sa isang letter-sender dahil nga na-bash siya habang binabasa niya at ng mga kaibigan niya ang sulat nito.

Dito rin niya sinagot ang mga basher niya kung saan ay binitiwan niya ang statement na “oo, kabit ako” na talaga namang pinag-usapan.

Kinabukasan ay may mga sinagot pa ring bashers si Greta at isa na rito ay ang nagsabing plastic ang pagkatao niya at pakitang-tao lang ang pagtulong niya.

“AND WHAT WILL I GAIN FROM BEING PLASTIC ?! (or pakitang tao) I have retired from show business, I am not into politics) I do not need your approval.

“Move on ... Get a life. You are projecting your anger & bitterness towards me. Be productive, work & earn a living & help others before you waste precious time on me (someone you don’t know personally) peace, love & light. if you think you can bully me by posting nasty comments, this ones for you. BRING IT ON.... I’m ready for you,” ang sagot ni Greta.

Kahapon, may bago na naman siyang sinagot. May sarkastikong nagkomento ng “Since you are arrogantly posting that your helping needy, help them all!”

Sagot ni Gretchen, “ARE YOU PERFECT, Blameless? You are accusing me of Arrogantly posting? Do you even know how this Granting of wishes started? It started from my ig followers, asking a Wish to be granted.

“How in the world do I grant ig followers without posting whom we have chosen to Grant. WOULD YOU WANT TO TAKE OVER GRANTING WISHES & NOT POST, BEB?

“I CAN GLADLY HAND IT TO YOU SINCE YOU BELIEVE YOU ARE ABOVE THE REST?? I CHALLENGE YOU TO GRANT AT LEAST A FEW ROUNDS OF CHEMO SESSIONS & a Few CYCLES OF DIALYSIS EACH TIME YOU BASH.”

Sa totoo lang, hindi rin namin ma-gets kung bakit sa kabila ng pagtulong ni Greta ay ito pa ang napapala niya -- ang ma-bash nang bonggang-bongga.

Damn if you do, damn if you don’t ang nangyayari sa kanya at kahit ano yatang gawin niyang mabuti ay hindi naa-appreciate ng mga tao.