7,511 guests

GMA-7 magpapa-audition para sa Pinoy cast ng ‘Boys Over Flowers’

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 621

Pre-wedding photos pa lang nina Erwan Heus-saff at Anne Curtis ang nakikita sa internet. White Vera Wang gown ang suot ni Anne sa welcome luncheon nila sa kanilang guests sa wedding nila sa Queenstown, New Zealand. May hashtag na #TheWanforAnne ang wedding ng dalawa.

Bukod sa kanyang It’s Showtime family, kabilang sa guests sa wedding si Danica Sotto-Pingris na may konek kay Anne dahil kay Oyo Sotto. Dumalo rin sa wedding sina Angel Locsin at Neil Arce at Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Siguro naman nagkita-kita sina Neil at Angel at Luis at Jessy, pero wala pang picture na magkasama sila sa isang frame. Present din sina Vicki Belo, Hayden Kho at anak nilang si Scarlet at marami pang iba.

* * *

Pabirong tinawag ng press people na “secret concert” ang Awit na Aicelle concert ni Aicelle Santos sa Music Museum sa November 24 dahil sa mga sagot na “secret” ni Aicelle sa ilang details ng kanyang concert. Hindi nito sinabi ang repertoire ng concert niya dahil secret, ang sinabi lang, bago at hindi ang dating mga kinakanta.

Kung gustong malaman ang repertoire niya sa concert, panoorin ang Awit na Aicelle. Sa direction ni Carlo Orosa, guests niya sina Gary Valenciano, Myke Salomon, Bullet Dumas, Quest at ang The Company. “Secret” pa kung maggi-guest si  Regine Velasquez. Si Carlo ang kumausap kay Gary na isang Kapamilya talent na mag-guest sa concert ng isang Kapuso talent at thankful si Aicelle na pumayag ito.

Sa presscon, nagpa-sample si Aicelle sa ganda ng kanyang boses na walang effort  abutin ang mataas na nota dahil strong alto siya. Napansin nga na nakipagbiritan siya sa mga kasamang guests ni Regine sa concert nito sa isang production number.
    
“The concert is a celebration of Filipino music, ce-lebration of music that inspires me throught the years. I wish to celebrate the glorious talent and musicality of being a Filipino musician. I am so looking forward to showcase more of my talent in my concert,” sabi ni Aicelle.
    
Ang Stages Sessions at GMA Artist Center ang producers ng Awit na Aicelle. Mabibili na ang tiket sa Ticketworld at sa Music Music. For ticket inquiries, call Music Museum at 02-7216726.                                                                                   

* * *

Bukas (Nov. 13) na ang premiere night ng Fallback  at kung tama ang nabasa namin sa Instagram (IG) ni Rhian Ramos, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN ang premiere night ng Cineko Films. Si Zanjoe Marudo ang leading man ni Rhian sa movie na showing sa November 15.
    
First time makatrabaho ni Rhian si Jason at may message siya rito: “I loved working with you, Direk @jplaxamana! I will always be grateful for the experience of co-creating a character that you wrote and molded. Every step of making this film was thoroughly enjoyed. In fact, I’m actually still enjoying hearing your thoughts and joles at our press conferences and promotions i can’t wait for our premiere this Monday to finally see...what exactly have we done!??”

* * *

Narinig ng press na sinabi nina Director Joel Lamangan at supervising producer ng This Time I’ll Be Sweeter na magaling na ay mabait pa si Ken Chan. Madadagdagan na ang description ng dalawa sa aktor ng masipag dahil ang sipag mag-promote ni Ken ng movie nila ni Barbie kahit showing na ang pelikula, tuloy ang promote niya.
    
Araw-araw mula nang mag-showing, may pa-block screening ang fans niya gaya ng KenBie Dolls and this Sunday, ang KENDdys ang may pa-block screening sa SM Light na dadaluhan ni Ken.
    
Walang kapaguran na dumadalo si Ken sa pa-BS ng kanyang fans na tatagal hanggang November 15. May cinema tour din ang cast nitong weekend, kaya ngarag si Ken at ang cast.

Sabagay, makakapagpahinga naman si Ken sa bakasyon niya sa Amerika sa last week ng November hanggang December.

* * *

Hindi lang para sa Kapuso stars open ang audition sa bubuo ng cast ng Pinoy version ng Boys Over Flowers, open ito sa lahat at nationwide gagawin ang audition. Just wait sa announcement ng GMA Network kung saan at kung kailan ang audition.
    
Gagawin ng GMA Network ang Pinoy version ng Boys Over Flowers in partnership with Korean production outfit JU Entertainment Movie and Drama Inc. Waiting kami kung sino ang magdidirek ng Pinoy Boys Over Flowers  na sisimulan next year.
    
Si Lee Min Ho ang pinaka-popular na cast ng Korean Boys Over Flowers, sino nga kaya ang masuwerteng mapipili to play his role?