Glowing

October 20, 2018
Marian Rivera at Maine Mendoza
Marian Rivera at Maine Mendoza

TAGUMPAY ang beauty and skin care company na pagsamahing endorser sina Marian Rivera at Maine Mendoza ng produktong Maxi-Peel Zero. Eh, sumakto  rin kasi sa maki-kinis nilang kutis ang produkto kaya glowing na glowing ang dating nila sa media launch ng produkto last Friday sa Romulo’s Cafe.

Eh, nagsisilbing inspi-rasyon kay Maine  ang achievements ni Yan sa showbiz kaya naman swak na swak ang pagsasama nila bilang endorsers.

Dahil buntis sa ikalawa nilang anak ni Dingdong Dantes, lubos ang pasasalamat ni Yan sa asawa dahil mas isinantabi nito ang nababalitang planong pagpasok sa pulitika.

“Gusto niya na laging nandiyan siya ’pag kakailanganin ko siya. Kaya na-touch naman ako between sa gusto niyang mangyari para sa bansa, na nandiyan din naman, mas nandiyan ’yung, ‘Kailangan mo ako eh.’ Inuuna niya ’yung family niya,” pahayag ni Marian sa gesture ng asawa na bigyan ng priority ang kalagayan niya kesa sa sarili.

Sa Sunday Pinasaya muna ang sentro ng trabaho ni Yan ngayong preggy at ang docu-drama na Tadhana. ’Yung episode na dinirek ng asawa ang siyang nagpanalo sa kanya ng Best Actress sa isang grupo ng award-giving body.

Pero sa tanong kung muling masusundan ang pagdidirek ni Dong sa kanya, “Naku, buntis ako. Saka na kapag nanganak. Ang hirap-hirap umiyak!”

Pero kung sa unang pagbubuntis niya, eh, si Dingdong ang napaglihihan, this time, mga maasim gaya ng kamias ang hilig niya. Lagi rin nilang isinasama si Zia sa kada check up ng magigng kapatid niya na ang gusto ay baby brother.