5,285 guests

Ginugulo!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 896

Jason, nananahimik sa isyu ng online sexual harassment

Maganda ang ginawa ni Jason Abalos na i-off ang comments section ng kanyang Instagram (IG), kahit sa latest post lang niya para maiwasan ang pagsawsaw ng bashers sa isyu sa kanya ngayon. 

Mas maganda ang pananahimik niya sa isyu habang pinag-aaralan ang gagawin sa akusasyon sa kanyang online sexual harassment ng isang student.
    
Kaya lang, ang GF ni Jason na si Vickie Rushton naman ang ginugulo dahil sa IG niya nagko-comment ang netizens.
    
In fairness, most of the comments ang sabi, hindi sila naniniwala sa inaakusa kay Jason. Hindi raw kamukha ng aktor ang screen shot na pinost ng girl.
    
Hindi lang maiwasang may naniniwala sa akusasyon kay Jason at ang payo kay Vickie ay maghanap ng faithful at worthy man dahil she deserves a better man.

* * *

“Walang forever” ang sagot ni Jackie Rice sa mga reporter na nakausap sa presscon ng My Love From The Star at tinanong siya sa break-up nila ng ex-BF. Ang sabi lang, na-fall out of love sila sa isa’t isa at nakapag-move on na naman siya.
    
Hindi muna nag-i-entertain ng suitor si Jackie, sa trabaho muna ang focus niya lalo’t dream na mapatayuan ng bahay ang nabiling lote sa isang lugar sa Quezon City. Last year pa niya nabili ang lote, bahay na lang ang kulang.
    
Samantala, sobrang happy si Jackie na napasama siya sa cast ng MLFTS  dahil bukod sa may trabaho siya, kasama pa niya ang idol niyang si Jennylyn Mercado.
    
“Sobra kong idol si Jennylyn at kaya ako sumali sa Starstruck 3 dahil sa kanya. Gusto kong magaya sa kanya at makita siya na nangyari. ’Pag nakikita ko siya sa GMA-7, lagi ko siyang pinupuri gaya ng, ‘ang ganda ng dress mo, ang ganda ng hair mo.’ Hindi niya alam na fan niya ako. Kaya doble ang saya ko, may show na ako, kasama ko pa ang idol ko at marami kaming eksenang magkasama,” sabi ni Jackie.
    
Ginagampanan ni Jackie ang role ni Lucy, artistang kaibigan at madalas support lang ni Steffi (Jennylyn) na magiging star din at makakaribal pa si Steffi. Sa May 29, na ang pilot nito sa direction ni Bb. Joyce Bernal.

* * *

Indefinite raw ang extension ng Ika-6 Na Utos, kaya matagal pang mangyayari ang request ng viewers ng hit daytime program ng GMA-7 na magkabalikan na ang mga karakter nina Rome (Gabby Concepcion) at Emma (Sunshine Dizon). Unless, ibigay na ng production ang request ng televiewers.
      
Sa nakaraang linggo, nagkabanggaan na uli ang mga buntis na sina Emma at Georgia (Ryza Cenon) dahil sa stroller, naospital si Georgia at mabuti na lang hindi nakunan. Inaabangan ng viewers kung kailan pa malalaman ni Rome na siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Emma.