Ginawang costume ni Marian gamit ang recyclable materials wagi sa school

October 26, 2018
Marian Rivera
Marian Rivera

Nasa IG Story ni Marian Rivera ang result ng pananalong Best In Costume ng anak na si Zia sa ginawang Miss Intergalactic Space Princess sa kanilang school. Si Marian ang nag-sketch ng costume, idea niya pati materials at color. May katulong si Marian, pero most of the work, siya ang may gawa.

Si Dingdong Dantes, very proud din kay Marian at may “Gujab, Mama” uli siya kay Marian. “Kahit puyat galing sa trabaho, talaga namang tanggal ang pagod at antok ko nang gisingin ako nitong Intergalactic Space Model na ito. Bukod sa kakyutan, na-impress ako sa recyclable materials na ginamit sa kanyang Haloween costume. Looking forward to our “actual” costumes next week,” post ni Dingdong.

Dahil tapos na ang shooting ng MMFF entry ng Star Cinema na Fantastica, ang paniwala namin, ang tinukoy ni Dingdong na pinanggalingang trabaho ay ang taping ng action/drama series na Cain at Abel  na pagsasamahan nila ni Dennis Trillo. Sa November na ang airing nito, kaya ratsada na sila ni Dennis sa taping.

Samantala, nakataas na ang billboards ni Marian ng bago niyang endorsement na Reverie by Beautederm Home. Ang bago ng mga produkto nitong candles, room and lines sprays na collaboration nina Marian at Beautederm President and CEO Rhea Anicoche-Tan. Nakilala ni Marian si Rhea sa tulong ni Shyr Valdez na parehong kaibigan sina Marian at Rhea.