6,212

GF ni Jason, runner-up lang sa Bb. Pilipinas

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 824

BIGGEST winners ang naunang applicants sa Bb. Pilipinas 2018 na sina Catriona Gray, Mi-chelle
Gumabao at Vickie Rushton. 

Sa tatlo, si Catriona ang runaway winner at siya ang tinanghal na Bb. Pilipinas Universe.
Mula sa pagiging Miss World PH, hawak naman niya ang Bb. Pilipinas Universe title, huh! 

Komento ng ilang showbiz press na nakapanood ng pageant nang live, mas magaganda raw ang
contestants ngayong taon kumpara last year, huh!  

Eh, sa isang interview kay Catriona, hanga pa rin siya kay Mariel de Leon kahit na
nakabanggaan niya ang Bb. Pilipinas Internaional 2017 dahil sa komento nitong “scripted” ang
ginagawa niya.
    
Wagi ng title na Bb. Pilipinas-Globe si Michelle habang first runner up lang si Vickie,
ang girlfriend ng Kapuso actor na si Jason Abalos.
    
Aabangan ang pagsali ni Catriona sa Miss Universe dahil last year, eh, bokya si Rachel
Peters sa international pageant at kasabayan niyang winners last year.

* * *

BIGLAAN naman yata ang showing ng movie nina Rhian Ramos at Solenn Heussaff na Simpicity, huh!
    
Sa Instagram post ni Sos, naka-schedule ang showing nito sa March 21. Sinamahan pa niya
ito ng papuri kay Rhian na tinawag niyang cray cray girl.
    
“Love this cray cray girl o much made our scenes such a breeze and so much fun (yes I
stole your photo lol). Ps: why does my hand here look like  Ghost hand. Scared. Lol,” caption ni
Solenn.