5,319 guests

Gerald, 'di tumanggi sa pre-nup nila ni Ai-Ai

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 312
Ai-Ai delas Alas & Gerald Sibayan Ai-Ai delas Alas & Gerald Sibayan

SUNUD-sunod ang blessings sa bride-to-be at Queen of Comedy na si Ai-Ai de las Alas.

She has an upcoming movie under Cineko Productions, a new game and gag show na “Bossing and Ai” with TV host-comedian-producer na si Vic `Bossing’ Sotto at may ongoing pa rin siyang musical-comedy show na “Sunday PinaSaya” both on GMA.  As if these are not enough, may bago na naman siyang endorsement, ang Pitalicious Shawarma na pag-aari ng young couple entrepreneurs na sina Brian at Gillian Francisco na CEO at corporate secretary, respectively, ng kumpanya.

“Mahal talaga ako ng Diyos,” pahayag ng soon-to-be Mrs. Gerald Sibayan.

Ibinalita rin ni Ai-Ai na bukod sa kanyang pagiging celebrity endorser ng Pitalicious Shawarma ay magkakaroon din daw siya ng sarili niyang franchise nito.

Samantala, inamin ni Ai-Ai na meron silang pre-nuptial agreement ni Gerald para naman maging fair sa tatlong anak ni Ai-A na sina Sancho, Nicolo at Sophia at hindi umano ito issue sa kanyang magiging mister.  Whatever they acquire during the marriage ay siyang magiging conjugal property nila ni Gerald.

Hindi naman sinagot ni Ai-Ai ang tanong sa kanya kung imbitado sa kanilang nalalapit na wedding ni Gerald ang dati niyang BFF na si Kris Aquino.
    
Months before the wedding ay nakalipat na si Ai-Ai and her family sa bago nitong ipinatayong bahay sa isang exclusive subdivision in Quezon City which she considers her dream house.

JOSE, MAY ANAK NANG DOKTOR

PROUD pero tahimik lamang ang singer-comedian-TV host at isa sa Dabarkads ng “Eat Bulaga”  na si Jose Manalo sa pagkakapasa ng anak niyang babae na  si Myki Manalo sa Physician Licensure Examination which was released last September 9, 2017.
    
Isa nang ganap na doctor si Myki na nagtapos ng BS-Psychology sa De la Salle University at sa Institute of Medicine sa Far Eastern University and took her post-graduate internship sa De los Santos Medical Center.
   
Si Jose ay matagal nang hiwalay sa kanyang asawang si Annalyn.

NADINE, NADALE NG DENGUE

TWO weeks na ipinagwalang-bahala ni Nadine Lustre  ang pabalik-balik ng lagnat and when she finally went to a doctor ay doon lamang niya nalaman na dengue pala ang dumapo sa kanya. Malamang nakuha niya ito nang sila’y umakyat ng Mt. Ulap sa Benguet early this month kasama ang nobyong si James Reid at ilang kaibigan.
    
Magaling na si Nadine  but it could have been worse kung tuluyan niyang in-ignore ang sakit.
    
Samantala, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang JaDine fans kung kelan muling magkakaroon ng bagong teleserye ang loveteam although may bagong movie sila under Viva Films.

LUIS, BAHAGI NG WEDDING ENTOURAGE NI ANNE

SI Luis Manzano ang tatayong man of honor sa soon-to-be wedding ng engaged couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff.
    
Friends ang turingan nina Anne at Luis for the longest time at may pangako ang dalawa na kapag sila’y ikinasal sa kanilang respective partners ay kailangan na bahagi sila ng wedding entourage.
    
Hinihintay naman ang proposal and eventually wedding ni Luis sa kanyang kasintahang si Jesy Mendiola kung saan ay tiyak na may participation si Anne.
    
Sina Anne at Luis ay  unang nagtambal sa seryeng “Kampanerang Kuba”  ng ABS-CBN in 2005.  Nakagawa rin sila ng apat na pelikula, ang “All About Love” (2006), “Ang Cute ng Ina Mo” (2007), “Petrang Kabayo” (2010) at “Who’s That Girl” (2011).
    
Up to this time ay hindi pa rin nire-reveal ni Anne kung saang bansa sila ikakasal ni Erwan.  Sa isang parte rin kaya ng Europe tulad ng kanilang mga kaibigang sina Georgina Wilson, Solenn Heussaff at Isabelle Daza maging ang mag-inang Dra. Vicki Belo at Cristalle Belo Henares?

MILYUN-MILYONG NAGASTOS SA KASAL, BALEWALA

NANG makatsikahan namain si Manay Lolit Solis sa contract signing ni Ai-Ai de las Alas bilang celebrity endorser ng Pitalicious Shawarma na ginanap sa Victorino’s in Quezon City last Monday, naniniwala rin siya na hindi bababa ng P100-M ang ginasta sa engrandeng wedding nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho last September 2 sa Paris, France kung saan dumalo ang kilalang talent manager.  Pero ang ginastos na ito ni Dra. Vicki ay balewala lalupa’t nakatakdang lumagda ng isang monumental deal na bilyon ang halaga ang celebrity doctor with a major and popular medical laboratory para sa outright usage ng Belo brand  para sa mga product line ng Belo except for Belo baby products dahil pag-aari na umano ito ng two-year-old daughter nila ni Doc Hayden na si Scarlet Snow.