Generous

September 17, 2018
Sunshine Cruz

Sunshine, itinangging engaged na!

May hearing ba this week sa child support na case filed by Sunshine Cruz laban sa ex-husband niyang si Cesar Montano? Ito ang dating sa amin sa nabasang post ni Sunshine at sagot  sa nabanggit na kung generous si Cesar sa anak ng mga kaibigan, mas lalo itong generous sa kanyang mga anak.

Post ni Sunshine: “Sa-ma ka sa korte next week para malaman mo ang totoo. Walang magrereklamo kung totoo yang sinasabi mo.”

Nabanggit kasi ni Sunshine na “filing a motion again soon,” para maayos ang suporta ni Cesar sa mga anak nila. Baka ito na ’yung binanggit ni Sunshine.

Also, nilinaw ni Sunshine na hindi totoo ang balitang engaged na sila ng BF niyang si Macky Mathay. Inakalang engaged na ang dalawa nang mag-post si Macky ng photo nila ni Sunshine na may ring ang aktres na inakalang engagement ring. Kaya sabi ni Sunshine, “Guys, I’m not engaged po.”

Samantala, grabe ang mga eksena nina Sunshine at Bing Loyzaga sa morning series ng GMA-7 na Kapag Nahati ang Puso. Sampa-lan at sabunutan ang dalawa sa elevator at malalaman pa ni Claire (Bea Binene) na ampon lang siya at hindi si Miranda (Bing) ang real mom niya.

Tagged Under