Gender reveal

November 08, 2018
Ding Dong Dantes & Marian Rivera

ANG tungkol sa gender ng ikalawang baby nila ni Dingdong Dantes ang madalas itanong ngayon sa four months preggy na si Marian Rivera.

Kaya naman sa presscon ng contract renewal niya sa Nailandia kahapon, sinabi ng GMA Primetime Queen na by end of this month, ia-announce na nila ni Dong kung boy o girl ang magiging kapatid ni Zia.

May check-up pa raw si Marian sa November 20 para siguraduhin ang gender ng anak.

Marami ang naghu-hope na boy ang ipinagbubuntis ni Yan dahil kakaiba raw ang naranasan niyang paglilihi kesa kay Zia.

Kung dati ay mahilig siya sa white chocolates, ngayon, mahilig siya sa kamias, mangga at iba pang maaasim.

Kwento niya, mas matakaw din siya ngayon, nasusuka tuwing bumibiyahe nang malayo at mas maingat sa ginagamit na make-up kaya minsan, ni lip tint, ’di siya naglalagay ’pag lumalabas ng bahay.

Mas malaki rin ang weight gain niya, four pounds, tuwing may check-up kesa sa dating two pounds.

Kung siya raw ang tatanungin, tanggap ni Marian ke boy o girl ang second baby nila ni Dong. Anyway daw,  apat na anak talaga ang plano nilang mag-asawa kaya after this, may dalawang chance pa sila na magka-baby boy, kung saka-sakali.

Sobrang thankful naman ang owners ng Nailandia sa aktres dahil mistulang lucky charm daw nila ito’t mula nang kunin bilang endorser, lumobo ang bilang ng branches nila mula 30 plus naging 110 plus.

Ikaapat na taon na ni Marian sa nasabing kumpanya, kung saan tuwing Linggo, nagpapa-mani at pedi raw talaga siya.

Pagkatapos ng Nailandia presscon, lumipat si Yan para samahan si Dong sa press launch ng The Color Run Hero Tour.

Organized ito ng GMA Network at Runrio Events, Inc. at gaganapin sa McKinley West sa Taguig sa November 18.

Ani Dong, first time niyang sasali sa ganitong klase ng fun run na tinawag nilang “the happiest 5K on the planet” at excited siyang makasama sina Yan at Zia sa  nasabing event.

Bukod kay Dong, kabilang sa listahan ng mga lalahok sina Kris Bernal, Rocco Nacino, Ruru Madrid, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Sanya Lopez, Rodjun Cruz, atbp.

Bilang buntis, si Yan daw ang isa sa mga tatao sa countdown o kaya ay sa finish line kung saan sinasabuyan ng makulay na pulbo ang mga kalahok.

“Pwede rin siyang mag-abot ng tubig sa akin,” biro ng aktor na umaming excited na rin maging daddy for the second time.

Ang proceeds ng The Color Run Hero Tour ay mapupunta sa mga proyekto ng disaster preparedness I am Super Campaign ng pinamumunuan ni Dong na YesPinoy Foundation, Inc.