Gelli at Ariel, malayo sa mga anak

September 10, 2018

KUNG tutuusin, hindi madali sa mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera na malayo sa kanila ang dalawa nilang anak na parehong lalaki na sina Joaqui at Julio na parehong nag-aaral sa Canada kung saan naroon ang paternal grandparents at ibang kaanak ng dalawa.

Si Joaqui ay nag-aaral ng aviation habang si Julio naman ay kumukuha ng kinesiology (scientific study on human and non-human body movement).

Kapag summer break sa school ay umuuwi ng Maynila ang magkapatid na sina Joaqui at Julio at kapag may free time naman ang mag-asawang Gelli at Ariel ay sila ang dumadalaw sa kanilang mga anak in Canada.

Natutuwa sina Gelli at Ariel dahil natutong maging independent ang dalawa nilang anak.

Si Gelli ay balik-Kapuso Network at muling mapapanood sa isang panghapong teleserye, ang “Ika-5 Utos” na napapanood pagkatapos ng “Eat Bulaga” on GMA.