Gabbi explains why she has to break away from Ruru, and who she’s dating now

October 03, 2018
Gabbi Garcia

GABBI Garcia is glad to be back in a primetime soap on GMA-7, the dramedy “Pamilya Roces”, which will replace “Inday Will Always Love You” starting this coming Monday, October 8. It will be recalled she was last seen in “Sherlock Jr.” where her character was killed and which ended her love team with Ruru Madrid.

“I like my character here as Jade Roces,” she says. “Marami kaming magkakapatid dito, kasama sina Carla Abellana, Jasmine Curtis Smith, Sophie Albert and Shaira Diaz. Sa aming lahat, ako 'yung pinaka-outspoken, pinakapalaban, hindi basta patatalo kahit kanino. Most of them, ngayon ko pa lang nakatrabaho, but enjoy kaming lahat sa taping. It’s a happy set and we’re really like a family. Bago rin ang makakatrabaho ko rito, si Manolo Pedrosa, na galing sa kabilang network. E, dati, laging si Ruru lang ang kapareha ko so now, naiba naman. Okay naman si Manolo, hardworking and easy to work with.”

What about supporters of their GabRu love team who want them to reunite? “I guess, intindihin na lang nilang as actors, we both have to grow and explore other possibilities by working with other stars. Okay naman sa’king magsolo kami at 'yung walang permanenteng ka-love team. I think they’ll support pa rin us naman ni Ruru even individually. Kaya ngayon pa lang, nagpapasalamat na kami ni Ruru sa kanila para sa kanilang walang-sawang suporta.”

Is it true she’s now on with Kapamilya actor Khalil Ramos? “No, but yes, we are dating,” she says. “We do go out, we have common friends, but we don’t want to rush things, so hanggang doon na lang muna.”

What’s her experience working with Director Joel Lamangan in “Pamilya Roces”? “Actually, kabadung-kabado ako noong una kasi nga I was told very strict siya. Nanigas nga ako noong first taping day. Naunahan kasi ako ng takot. Ha ha ha! Sabi kasi, hate na hate niyang nale-late ang artista niya sa set. Napagalitan nga si Sophie dahil naligaw siya papunta sa set, kaya na-late. Pero wala namang nangyari sa kinatatakutan ko kasi maaga akong dumating sa set and talagang I prepared na agad and memorized all my lines. Ready na ako. Maayos namang nairaos ang first taping day and the succeeding days, at ease na ako. Basta ang importante, when he gives instructions, you should listen para hindi ka magkamali sa harap ng kamera.”