5,371 guests

‘False rumors’

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 572

Titulo ng Sarah-John Lloyd reunion movie, mala-Nicholas Sparks 

Sef, pumalag sa pagkaka-link kay Maine!

Lalong kinilig ang fans nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa lumabas na balitang Dear Future Husband ang magiging title ng reunion movie ng dalawa. Ito’y kahit hindi pa kumpirmado ang title na ito.

Kahapon, may post na  sa social media tungkol sa ginanap na storycon.
   
Sabi ng fans, sa title pa lang, super kilig na ang balik-pelikula nina JLC at Sarah.
   
May feel daw ng Nicholas Sparks book title na madalas, ginagawang pelikula.
   
Nagsimula nang mag-countdown ang fans ng dalawa to the day na showing ang reunion movie nina JLC at Sarah kahit hindi pa nagsisimula ang shooting.

* * *

Parang sagot ni Sef Cadayona sa pagli-link sa kanila ni Maine Mendoza ang tweet niyang: “False rumors are something not to ponder upon. If you can’t do it for me, at least respect those other people involved. God Bless.”
   
Umingay sa socmed ang isyu kina Sef at Maine, na-bash sila, pero mas grabe ang bashing kay Sef.
   
Ahas daw ito dahil sinusulot si Maine sa ka-loveteam na si Alden Richards at marami ang nag-akusa sa kanyang ginamit si Maine para siya’y sumikat, mapag-usapan at magkaroon ng show.
   
Sa mga hindi aware, kahit noong hindi pa nali-link si Sef kay Maine, marami na itong shows sa GMA-7 at nagkaroon na ng solo show.
   
Sa ngayon, sa Bubble Gang at Meant To Be napapanood si Sef at hindi man siya ang lead sa rom-com series, napapansin siya at marami ang natutuwa sa karakter niyang tamad mag-aral at palipat-lipat ng school. Hindi pa malinaw kung gay ang karakter niya.
   
Ang bale kasalanan lang ni Sef, matagal siyang nag-react sa isyu, hinintay munang ma-bash siya nang husto at maparatangang user-friendly.
   
Ang kapalit ng pamba-bash kay Sef, patuloy na nagti-trending at mataas ang rating ng Meant To Be.

* * *

Masasagot na sa korte ni Director Alvin Yapan at  ng producer ng Oro ang reklamo sa kanilang animal cruelty dahil nagsampa na ng kaso ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) laban sa kanila at dalawa pang tao.
   
Sa Pasig City Hall of Justice nag-file ng kaso si Anna Cabrera ng PAWS last Wednesday.
   
Sinamahan siya nina Ida Tiongson ng MMFF marketing committee at aktres na si Japo Parcero.

* * *

Parang walang mabigat na problema sa personal life niya si Daiana Meneses dahil ang ganda-ganda pa rin, masigla at madaldal.
     
Mapapansin din na mas magaling na siyang mag-Tagalog at sabi nga niya, after nine years sa Pilipinas, “Pinay na ako.”
     
Bumibisita na lang siya sa Brazil, ang pinakahuli ay noong 2014.
     
Sa kanyang profile sa Instagram (IG), nakasulat na “Brazilipina” siya at in-embrace na talaga ang pagiging Filipina.
     
Mahal ni Daiana ang bansa natin kahit part ng malalaking problema niya ay bigay ng kapwa Pilipino.
   
Annulled na ang kasal ni Daiana sa ex-husband niya, relieved daw siya at very happy na single na uli siya.
   
Wala siyang regret sa mga nangyari sa buhay niya at ang regret lang niya, matagal bago siya nauntog.
   
Thankful pa rin si Daiana dahil after ma-annul ang kasal, maraming blessings ang dumating sa kanya.
   
Isa na rito ang pagkapili sa kanya ng Overall Productions to host The Fiercest of Them All, isang fantasy series/reality competition about modelling na nakakabaliw ang challenges.
   
Magpa-pilot ito sa March 5, 9 p.m., sa GMA News TV.

* * *

Matutupad na ang pangarap nina Mark Herras at Rainer Castillo na magkaroon ng gym dahil sa February, operational na ang Muscle Up Parkour Gym & Urban Training Ground.
   
Nabanggit ni Mark ang tungkol sa pagsososyo nila ni Rainier at ilang kaibigan sa taping ng Sa Piling ni Nanay.
   
Excited ito sa bagong bubuksang negosyo. Nasa 143 Maginhawa St., Diliman Quezon City ito.