6,038

Ex ni Erich, nagpapaligaya ngayon kay Arci

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1394

ANG Chinese-Filipino businessman na si Anthony Ng ang kasalukuyang boyfriend ng singer-actress na si
Arci Munoz.  Si Anthony ay ex-boyfriend ng Kapamilya star na si Erich Gonzales.  Ex-boyfriend naman
ni Arci ang frontman ng rock group na Mr. Bones and the Boneyard at anak ni Prince Jefri Bolkiah ng
Brunei na si Badi del Rosario.  After Arci’s break-up with Badi early part of 2017 ay nakilala naman
niya si Anthony.  Erich and Anthony broke-up in 2015 at naging boyfriend naman ni Erich ang
Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga kung kanino siya (Erich) hiwalay na rin since
early last year.

Si Arci ay produkto ng reality based-talent search ng GMA, ang Starstruck at sa bakuran siya ng
Kapuso Network nagsimula although nakagawa rin siya ng ilang program sa TV5 bago siya lumipat ng
Kapamilya network in September 2014.
    
First TV series ni Arci sa ABS-CBN ang hit afternoon TV series na “Pasion de Amor” (hango sa
2003 Colombian telenovela) kung  saan niya nakasama sina Jake Cuenca, Ejay Falcon, Ellen Adarna at
Coleen Garcia.
    
Nakatambal din ni Arci si Gerald Anderson sa dalawang hit movies under Star Cinema, ang “Always
Be My Maybe” in 2016 at ang “Can We Still Be Friends” in 2017.
    
May ginagawa ngayong bagong TV series si Arci  waiting for airing na  isang rom-com kung saan
niya kasama sina Piolo Pascual, Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.
    
Erich, on the other hand, is now seeing a non-showbiz guy na ayaw pa rin niyang i-reveal kung
sino.  May bago rin siyang simulang teleserye, ang “The Blood Sisters” kung saan siya gumaganap sa
tatlong magkakaibang characters.

MAJA AT ZANJOE EXCITED SA UNANG PAGSASAMA

EXCITED sina Maja Salvador at Zanjoe Marudo sa kanilang first movie project na pagsasamahan. Isa
itong rom-com na welcome sa kanilang dalawa lalung-lalo na si Maja na kagagaling lamang sa kanyang
emotionally, mentally and physically draining hit afternoon TV series na “Wildflower”.
    
Si Zanjoe ay huling napanood sa TV series na “My Dear Heart” na pinagtambalan nila ni Bela
Padilla nung isang taon.
    
Although  pilit na na-link sa isa’t isa sila Zanjoe at Bela, nananatili pa ring single at
unattached si Zanjoe hanggang ngayon since his break-up with Bea Alonzo nung late 2015.

PAPALIT-PALIT,

PALIPAT-LIPAT NA MGA RELASYON SA SHOWBIZ

HINDI talaga maiiwasan among our local celebrities ang magpalitan ng partners.
    
Naging nobyo ni Bea Alonzo ang nakababatang kapatid ni Bernard Palanca na si Mico Palanca
(nasaan na kaya siya ngayon?) bago naging boyfriend ni Zanjoe Marudo at ngayon ni Gerald Anderson.  
Ex-girlfriend naman ni Gerald si Kim Chiu na girlfriend ngayon ni Xian Lim.
    
Sina Antoinette Taus at Karylle ay parehong ex-girlfriends ni Dingdong Dantes na mister na
ngayon ni Marian Rivera.  Si Karylle ay misis na ngayon ni Yael Yuzon ng Spongecola habang
nananatiling single  si Antoinette.
    
Matagal naging kasintahan ni Billy Crawford ang singer-actress-TV host na si Nikki Gil bago niya
naging girlfriend ang kanyang fiancee na si Coleen Garcia.  Si Nikki naman ay nag-asawa na sa non-
showbiz guy na si BJ Albert at may anak na sila.  Si Billy ay nakatakdang ikasal this April kay
Coleen sa isang beach wedding ceremony.
    
Mahaba-haba ang listahan ng mga naging ex-girlfriends ng actor na si John Lloyd Cruz bago naging
sila ni Ellen Adarna.  Nariyan sina Kaye Abad, Shaina Magdayao, Ruffa Gutierrez, ang fashion stylist
na si Liz Uy at Angelica Panganiban.  Si Kaye ay asawa na ng ex-PBB housemate at businessman na si
Paul Castillo at meron na rin silang anak.  Si Ruffa naman ay boyfriend pa rin hanggang ngayon ang
kanyang French-Israeli boyfriend na si Jordan Mouyal at single naman hanggang ngayon sina Shaina,
Liz at Angelica.
    
Bago naging boyfriend ni Angelica si John Lloyd Cruz ay naging nobyo niya sina Carlo Aquino at
Derek Ramsay.  Bago naman nag-asawa si Cristine Reyes kay Ali Khatibi ay naging boyfriend niya sina
Dennis Trillo at Derek Ramsay.  Si Derek naman ay may non-showbiz girlfriend ngayon, ang kanyang
live-in partner na si Joanne Villablanca.
    
Unang naging boyfriend ni Angel Locsin ang yumaong binatang anak ni Ali Sotto na si Miko Sotto.  
Sumunod dito ang pinsan ni Miko na si Oyo Sotto, Phil Younghusband at Luis Manzano.  Ngayon naman ay
nobyo ni Angel ang ex-boyfriend ni Bela Padilla na si Neil Arce.
    
Mahaba-haba rin ang listahan ng mga naging kasintahan  at na-link sa megastar na si Sharon
Cuneta.  Nariyan sina Albert Martinez, Tonton Gutierrez bago niya naging mister si Gabby Concepcion
in 1984.  Nang magkahiwalay at ma-annul ang marriage nina Sharon at Gabby ay magkasunod na naging
boyriend ni Mega sina Robin Padilla at Richard Gomez bago niya napangasawa si Sen. Kiko Pangilinan.  
Si Gabby naman ay muling nag-asawa kay Jenny Syquia kung kanino siya matagal nang hiwalay.  
Nagkaroon din ng relasyon noon si Gabby kina Janice de Belen,  Grace Ibuna, maging kay Kris Aquino  
pero muli itong  nag-asawa  kay Gennevieve Gonzales na nakilala niya sa Amerika.
    
Bago naging misis ni Richard Gomez (na mayor na ngayon ng Ormoc, Leyte), na-link sa kanya noon
sina Maricel Soriano, Janice de Belen, Snooky Serna, Patricia Borromeo, Melissa Perez-Rubio,  Amy
Perez,  Sharon Cuneta at Dawn Zulueta.
    
Na-link din sa maraming babae si Robin Padilla bukod sa kanyang ex-wife na  si Liezl Sicangco at
present wife na si Mariel Rodriguez tulad ng dating aktres na si Leah Orosa, ang entertainment
columnist na si Dolly Anne Carvajal, Jobelle Salvador, Kris Aquino, Melissa Perez-Rubio, Sharon
Cuneta, Vina Morales, Ruffa Gutierrez at Judy Ann Santos.
   
Naging kasintahan ni Dina Bonnevie ang yumaong  actor na si Alfie Anido bago niya naging mister
ang kanyang ex-husband na ngayon na si Vic Sotto.  Nagkaroon din si Dina ng relasyon sa dalawang
non-showbiz guys bago nito nating mister si Cong. Deogracias Victor Savellano ng Vigan, Ilocos Sur.
    
Isa rin siguro sa may mahabang listahan ng mga babaeng nakarelasyon ang yumaong comedy king na
si Dolphy na ang first love ay si Aida Javier.  Sumunod dito si Engracita `Grace’ Dominguez, Gloria
Smith, Alice `Baby’ Smith (Pamela Smith), Evangeline Tagulao, Pilar Pilapil, Lotis Key, Alma Moreno
at ang kanyang itinuring na greatest love na si Zsa Zsa Padilla.
 
Naging kasintahan noon ng singer-actor na si Dennis Trillo sina Cristine Reyes at ang dating
beauty queen na si Carlene Aguilar bago nito naging kasintahan si Jennylyn Mercado na naging ex-
boyfriend naman sina Mark Herras, Patrick Garcia at Luis Manzano.
 
Kilala rin ang movie king na si Fernando Poe, Jr. sa pagiging ladies’ man.  Bukod sa wife nito,
ang movie queen na si Susan Roces, si FPJ ay may anak sa veteran actress na si Ana Marin na si
Ronian Poe at sa dating beauty queen na si Rowena Moran na si Lovi Poe.  At hindi naman magpapahuli
ang best friend ni FPJ, ang dating Pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada
kung paramihan ng naging girlfriend ang pag-uusapan.