Ex-BF ng aktres na in denial, ikakasal sa bagong GF

October 05, 2018

Hindi sinasagot ng aktres ang tanong ng supporters kung break na sila ng kanyang boyfriend? Dedma ang aktres sa pangungulit ng fans sa kanyang lovelife, gayung dati naman, sinasagot niya ang mga tanong patungkol sa BF niya.

Kaya may pagtatanong ang fans dahil feeling nila, break na ang aktres at ang BF nito dahil wala na silang nakikitang photos ng lalaki sa socmed ng aktres.

Pati sa socmed ng lalaki, wala na ring makikitang new pictures ng GF.

Although hindi pa nila dine-delete ang pictures ng isa’t isa, makikitang ang last post nila ng litratong magkasama sila ay matagal na.

Kung loveless ang aktres ngayon, kabaligtaran naman ang ex-BF nito na masaya raw sa GF na ipinalit sa kanya at mukhang magpapakasal na nga.