7,458 guests

Empoy, tuluy-tuloy na o one time-big time lang?

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 458
Empoy Marquez Empoy Marquez

EMPOY Marquez is now the man of the hour.

Mula nang pumatok sa takilya ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na "Kita Kita," sunud-sunod na ang kanyang mga proyekto. Hindi na sidekick kundi siya na ang bida. Ang swerte nga naman, 'pag bumuhos, parang ulan.

Sa kanyang bagong pelikula na "Kusina Kings," silang dalawa naman ni Zanjoe Marudo ang bida. Nasa ibang level na talaga si Empoy. At para patunayan ito, nakatakda pa raw siyang gumawa ng teleserye kasama naman si Piolo Pascual. Bukod pa sa mga naka-lineup na pelikula para sa loveteam nila ni Alessandra na AlEmpoy, kaliwa't kanan din ang kanyang brand endorsements.

Sa panahon ngayon, hindi na uso ang over exposure sa mga artista. Dahil sa paiba-ibang panlasa ng mga fans, madaling magsawa. Strike while the iron is hot, 'ika nga nila. Alam naman natin kung gaano ka-unpredictable ang showbiz. Kaya ang hamon ngayon kay Empoy ay kung paano niya ma-sustain ang interest ng publiko sa kanya.

Hinog na ba talaga si Empoy para maging blockbuster actor? O isa lang siya sa tinatawag na one time-bigtime star sa showbiz? Just asking....

MOIRA, BAGONG LUMA

NOT all winners are winners and not all losers are losers.
    
Ilang beses nang pinatotohanan ito ng mga naging produkto ng iba't ibang talent search sa telebisyon. Isa na rito si Moira dela Torre na naging contestant sa unang season ng The Voice Philippines. Naging artist siya ni Coach Apl d. Ap ngunit hindi umabot sa final round.
    
Pero dahil sa kanyang angking galing, unti-unti na niyang nabubuo ang kanyang pangarap na maging sikat na recording artist. Napansin siya sa pagkanta niya ng "Torete" na naging theme song ng Julia Barretto-Joshua Garcia movie na "Love You to the Stars and Back." At hit ngayon ang kanyang version ng "Sundo" na unang pinasikat ng Pinoy band na Silent Sanctuary.
    
Sa totoo lang, wala naman bago kay Moira dahil magka-tunog sila ni Sitti. Admit it or not, one of the fastest ways to be noticed is do cover versions of hit songs. At ito ang ginagawa niya ngayon.
    
Malaking tulong ang kanyang pagkakasali sa bagong segment ng ASAP na KaJAMbayan. Isa pang magpapa-boost sa kanyang kasikatan ay 'pag nanalo siya sa Himig Handog 2017. Siya ang interpreter ng Titibo-tibo na isa sa Top 10 song entries sa nasabing songwriting contest. Judging from her performance on ASAP last Sunday, Moira is the singer-songwriter to watch for.
    
Sabi nila, isa siya sa bagong tunog ngayon. Si Moira na ba ang bagong threat sa mga biritera? Just asking..

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.