5,704 guests

Empoy, ’di gagayahin si Xander Ford

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 392
Empoy Marquez Empoy Marquez

Hindi raw kaya ng The Barker lead actor na si Empoy Marquez na gayahin si Xander Ford sa ginawa nitong pagpaparetoke.

“Kasi, ’pag binago ko po  ’yung mukha ko, baka malungkot po ang buong Pilipinas,”  pabiro niyang pahayag.

But on a serious note, hindi rin daw talaga niya binalak magparetoke kahit noon pa kahit hindi siya masyadong kaguwapuhan.

“’Di po ba mahal magparetoke. Magastos ’yon. Hindi ko kakayanin,” natatawa niyang hirit.

Patuloy ng aktor,  “Wala po talaga  akong balak. Kasi hindi na po ako si Empoy ’pag ginawa ko  ’yun.

“Para sa akin po, ’yung kay Marlou, ginagalang ko po ang pasya niya sa buhay. Kung saan po siya magiging masaya, susuportahan po natin siya.”

Hindi naman nakakaramdam ng pressure si Empoy sa bago niyang pelikula with Shy Carlos as his leading lady kahit pa kumita ng more than P300M ang pelikulang Kita Kita nila ni Alessandra de Rossi.
    
“Para sa akin po, wala akong pressure dito kasi, una po sa lahat, gusto ko pong magpasaya lang ng tao sa lahat ng viewers natin sa industriya.
    
“Ginawa po  namin nina Kuya Dennis itong movie na ito, hindi pa showing itong Kita Kita kaya hindi po ako pressured masyado dito sa movie. Masaya lang po naming ginawa ito sa set, parang naglalaro lang po,” katwiran pa niya.
    
Dagdag pa ng aktor,  “Pagpi-pray po namin na ganu’n din tulad ng Kita Kita  ang mangyari sa movie na ito at ipagkaloob po sana ni Lord na ganu’n din ’yung kakalabasan.”
    
Idinagdag din ni Empoy at Dennis na sisipagan nila sa pagpu-promote ng pelikula para maging aware ang tao na may pelikula silang ipalalabas.
    
Showing na sa Oct. 25 ang The Barker mula sa direksyon ni Dennis Padilla. Ang pelikula ay produced ng Blankpage Productions at Viva Films.