4,816 guests

Elmo, tanggap na ni Jenine para kay Janella?

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1216
Janella Salvador at Elmo Magalona Janella Salvador at Elmo Magalona

ANG pelikulang “Bloody Crayons” ay first team-up sa pelikula ng ElNella  loveteam nina Elmo Magalona at Janella Salvador.  Ang suspense-thriller movie na pinamamahalaan ni Topel Lee under Star Cinema ay bukod pa sa movie nina Elmo at Janella sa bakuran ng Regal Films, ang “My Fairy Tail Love Story” na line produced ng The IdeaFirst Company ng mag-asawang Perci Intalan at Jun Lana for Regal Films.

Hindi sina Elmo at Janella ang first choice for “Bloody Crayons,” pero ang mahalaga umano ay sila ang final choice.

Bukod kina Elmo at Janella, tampok din sa “Bloody Crayons” ang loveteam nina Sofia Andres at Diego Loyzaga, Maris Racal, Yves Flores at #Hashtag member na si Ronnie Alonte.

Samantala, hanggang ngayon ay marami pa rin ang kumukuwestiyon sa bankability nina Elmo at Janella sa box office. Ito’y malalaman kapag naipalabas na ang “Bloody Crayons” at ang “My Fairy Tail Love Story.”

Speaking of Elmo at Janella, magkasama ang dalawa sa bakasyon ng pamilya ni Janella sa Malaysia isang indikasyon na tanggap si Elmo ng pamilya ni Janella laluna ng kanyang inang si Jenine Desiderio.
    
Sina Elmo at Janella na ba?

KAREL BUNTIS SA PANGATLONG ANAK

ALTHOUGH meron nang  dalawang anak sa dati niyang karelasyon na si Armand de Guzman ang singer-actress na si Karel Marquez na sina Kyler at Kaylie, ipinagbubuntis nito ngayon ang kanyang pangatlong supling na una sa kanyang present husband na si Sean Farinas.
    
Matapos maghiwalay sina Karel at Armand in 2012, mag-isa umanong binuhay ni Karel ang kanyang dalawang anak na nakatagpo naman ng father figure sa husband ngayon na si Sean.
    
Nakatakda siyang manganak sa buwan ng February 2018.
    
Sina Karel at Sean Farinas ay ikinasal in December 2016.

DIETHER, DAGDAG SA LEADING MEN NG GMA7

SI Arnold Vegafria ang bagong manager ngayon ni Diether Ocampo.  Would this mean kaya na mas magiging visible na sa mga susunod na araw ang  (dating) Kapamilya hunk actor?
    
Si Diether ay napanood last Saturday evening sa isang special episode ng “Magpakailanman” hosted by Mel Tiangco on GMA.
    
Since kulang ang GMA sa leading men, swak ang pagdating ni Diether na matagal nang walang proyekto sa dating home studio, ang ABS-CBN.

MGA AYAW (PANG) MAGPAKASAL

TULAD nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, ayaw pareho ng magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na magpa-pressure sa paglagay sa tahimik.
    
Ayon kay Dennis, although sumasagi rin sa kanilang usapan ang kasal, wala pa umano silang kongkretong plano hinggil dito dahil ang mahalaga ay pareho silang nagi-enjoy sa kanilang relasyon ngayon.
    
Tanggap si Jennylyn ng 10-year-old son ni Dennis (kay Carlene Aguilar) na si Calyx at ganundin naman si Dennis sa anak ni Jennylyn (sa actor na si Patrick Garcia) na si Alex Jazz.  Katunayan, close na magkaibigan ang mga anak nina Dennis at Jennylyn kaya walang magiging problema sakaling sina Dennis at Jennylyn ang magkatuluyan balang araw.

JED LUMAYO KAY DARREN DAHIL SA TSISMIS

DUMISTANSIYA na si Jed Madella sa young singer na si Darren Espanto para makaiwas sa pagba-bash ng iba na binibigyan umano ng malisya ang pagiging close nila sa isa’t isa.
    
Nasasaktan umano si Jed kaya siya na lamang daw ang lumayo para manahimik na ang mga basher na wala umanong ibang magawang matino.
    
Nalulungkot naman si Darren sa nangyari dahil wala  naman daw silang ginagawang masama para i-bash ng ibang tao.
    
Si Jed ay isa sa mga kinu-consider na ‘mentor’ ni Darren sa kanyang singing career.

ALJUR ’DI PA NAGBIBIGAY-PUGAY KAY BINOE?

IN a few weeks’ time ay tuluyan nang magiging brand new parents ang engaged couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica to their `little prince’ due to be born next month (July).
    
Kung pagbabasehan ang mga post ni Kylie sa kanyang Instagram account, mukhang ini-enjoy niya ang kanyang pagbubuntis and eventually ang pagiging ganap na ina ng first baby nila ni Aljur.
    
Sobra ang ginagawang paghahanda ni Kylie sa pagsilang ng kanilang magiging first born ni Aljur na gusto niyang maging normal ang delivery.
    
Habang nasa bahay lamang ay panay ang pagbabasa ni Kylie ng mga libro na may kinalaman sa parenting.
    
Kylie hopes to resume her acting career kapag puwede nang iwan ang baby nila ni Aljur.
    
Samantala, hanggang ngayon ay tila hindi pa nagbibigay-pugay si Aljur sa ama ni Kylie na si Robin Padilla.

SINON FROM SHOWBUSINESS TO SHOE BUSINESS

PITONG taon nang kasal sa kanyang British husband ang tinaguriang ‘king of catwalk’ na si Sinon `Rogelia’ Loresca. Pero kailangan nilang maghiwalay nang magkaroon siya ng showbiz career sa Pilipinas.
    
Last December ay dumalaw sa Pilipinas ang British husband ni Sinon at kamakailan ay siya naman ang pumunta ng London for a ten-day vacation para dalawin ang partner.
    
Samantala, plano ni Sinon na magtayo ng sarili niyang customized shoe business para makinabang ang mga katulad niya na nahihirapang makahanap ng size ng sapatos o high heels na pambabae na akma sa kanilang mga paa.
    
Napapanood si Sinon sa Eat Bulaga at Impostora sa GMA7.

MATTEO, THREE YEARS PA BAGO PAKASALAN SI SARAH

PATULOY na inaabangan kung kailan magpo-propose si Matteo Guidicelli sa kanyang girlfriend of more than three years na si Sarah Geronimo.
    
At 27, Matteo stressed na hindi pa umano sila parehong handa ni Sarah na pasukin ang buhay may asawa lalupa’t pareho pa silang busy sa kanilang respective careers. Pero hindi ikinakaila ng Fil-Italian triathlete from Cebu na gusto niyang si Sarah na ang makasama habambuhay.
    
Binibigyan pa ni Matteo ang sarili ng tatlo pang taon before he settles down (with Sarah).