5,182 guests

Ellen, magsasalita ’pag ready na -- talent manager

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 505

Nagbigay na ng statement ang manager ni Ellen Adarna na si Pia Campos tungkol sa talk of the town
ngayong buntis umano ang sexy actress at ang rumored boyfriend na si John Lloyd Cruz ang ama.

Walang kumpirmasyon o denial na ibinigay ang manager ni Ellen.

Sabi lang niya, ang alaga niya ang dapat magbigay ng pahayag tungkol dito kapag ready na ito.
    
Sa ngayon, masaya naman daw ang aktres.
    
“At the moment, I can assure you that Ellen is well and happy. And if there are rumors to be
admitted or dispelled, it's her story to tell when she is ready to do so,” saad sa official statement
na inere ng TV Patrol last Monday.

Ayon naman sa TV Patrol, may source sila na nagsabing depende ang magiging rebelasyon ng sexy
actress sa advertising contracts niya na magtatapos ngayong Bagong Taon.
    
Nakasaad daw kasi sa mga kontrata nito na bawal magbuntis sa loob ng panahong nakakontrata
ito.
    
Bago pa napabalitang buntis si Ellen ay may naba-blind item nang mukhang preggy ang isang
aktres dahil medyo malaki ang tummy nito.
    
Nang hindi rumampa si Ellen sa Bench fashion show last Saturday, dito na pumutok ang balitang
nagdadalantao nga siya.

* * *

Opisyal nang ipinakilala sa showbiz press ang bagong boy band na Clique 5 kamakailan kasabay na rin ng
launching ng digital Christmas single na Tuwing Pasko composed by award-winning composer, Joven Tan.
    
Kinanta ng grupo ang nasabing first single at umani ng positive comments mula sa entertainment
press ang mga bagets. Pati ganda ng blending ng mga boses nila ay napuri rin.
    
Bago ilabas sa publiko ay talagang pinaghanda at hinasa muna ng 3:16 Events and Talent
Management Company ang mga bata.
    
Dumaan sila sa intense workshops in singing, acting and dancing at nang alam nilang handang-
handa na ang mga ito ay saka ni-launch.
    
“Ayaw namin na half-baked o hilaw ang Clique5 kapag isinalang namin sila. Gusto namin prepared
sila at ready talaga sa mundong papasukin nila,” pahayag nina Len at Kathy ng 3:16.
    
Maraming plano ang management sa Clique5 composed of Marco, Karl, Sean, Clay at Josh.
    
After the digital single, next in line na ang launching ng debut album nila na iri-release ng
Ivory Records.
    
Kaabang-abang ang carrier single nitong Pwede Ba, Teka Muna mula rin sa komposisyon ni Joven.
    
Ano nga ba ang pinagkaiba ng Clique5 sa ibang boy group sa bansa?
    
“They are the total package. Puwede silang kumanta, sumayaw at umarte. Hindi limited ang
kanilang talent,” anila Len at Kathy.