Ella, nilait ng netizens sa panghihingi ng tiket

September 24, 2018
Ella Cruz

“Huwag magbiro sa social media.” Ito marahil ang leksyon na natutunan ni Ella Cruz sa katakut-takot na tinanggap na panlalait mula sa netizens dahil lang sa nanghingi siya kay Sandara Park ng ticket para sa concert ng South Korean girl group na Black Pink.

Magkasama sa isang talent agency sa Korea sina Dara at Black Pink, ang YG Entertainment kaya marahil, naisip humingi ni Ella ng ticket sa una.

Itinag ni Ella si Sandara sa kanyang tweet na “penge po ng ticket ng Blackpink Concert please” at dahi dito, tinawag siya ng netizens na makapal ang mukha, mahirap, hindi marunong mahiya, at kung ano-ano pa.

Burado na ang tweet ni Ella at nag-apologize na siya pero halatang nawindang siya sa panlalait na natanggap base sa sunud-sunod na paliwanag niya sa Twitter.

Ayon kay Ella ay joke lang naman daw ang tweet niya na ’yun at hindi niya akalaing seseryosohin ng netizens.

“Hala ang dami ko nababasang tweets about my recent tweet regarding me mentioning Dara about the ticket.. okay so, bale JOKE po yun. kasi nga diba binigyan nya si Ate Kim ng ticket? as if naman mapansin ako ni Dara, bawal na ba magbiro ngayon? and saying naalala ko lang si Dara.

“I’m just saying that I really want to go to the concert and I really don’t know how to get tickets. yung tweet ko po na yun ay joke joke lang.. don’t take it too seriously... peace tayong lahat. love lang please naman oh.

“I’m not using Dara to GET TICKET FOR REAL mygawd peopleeee. Ni hindi nga ako kilala ng tao eh. My recent tweet was a tweet of me being a fangirrrrllllll

“Why did I tagged Ms. Sandara Park? Kasi nga like narinig ko nga kaninang umaga, Ate Kim Chiu’s ticket was from Ryan Bang na bigay ni Ms. Sandara, now lahat kayo sinasabi na walang hiya at makapal mukha ko, sana wag nyo na lang muna sineryoso tweet ko kasi hindi naman talaga TOTOONG nanghihingi ako ng ticket THRU TWEET.  “Ako po ay nagtweet lamang pero alam ko pong imposibleng mangyayari yun. grabe kayo sakin lahat na lang ng mga tao ngayon may nasasabi…” sunud-sunod na paliwanag ni Ella.

Nevertheless ay humingi ng sorry ang young actress sa kanyang ginawa.

“My fangirl self is saying sorry as well for not thinking of what will others think.. akala ko okay lang na magtag ng artista, dahil isa lang din naman ako sa mga fans... pasensya na po..at nawawala sa pag iisip ko na artista po ako kapag nagfafangirl ako ng koreans. I’m sorry.

“Hindi ko naisip na ginamit ko ang pagiging CELEBRITY ko sa pagtweet sa kanya. Sorry. Akala ko nga kasi fangirl lang ka kasi nga di naman niya ko kilala eh... tama naman na wag nyo na ko awayin,” tweet pa ni Ella.

Ito ang isang malinaw na indikasyon na talagang palala na nang palala ang social media na sa isang iglap lang, pwede ka nang pagkaisahan at durugin ang buo mong pagkatao.

Kaya sa mga celebrities, konting ingat sa pagpo-post at kung hindi ka rin lang ready sa mga bashings at negative comments, manahimik ka na lang.

Tagged Under