Edward, ’di makapaniwalang napasama sa Aga-Bea movie

October 09, 2018
Edward Barber

Hangggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Edward Barber na magiging parte siya sa pelikulang First Love kasama ang dalawa sa mga pinakamagagaling at pinakamalalalaking artista nating sina Aga Muhlach at Bea Alonzo.

“I got a call from my manager and said, ‘Edward, don’t freak out but this is what could happen if you want it.’ And so, I didn’t know what to say, I was speechless when I hung up on the phone,” kwento ni Edward sa presscon ng First Love last Monday.

That time ay kasama raw niya ang ka-loveteam na si Maymay Entrata at ang mommy niya. Ibinalita raw niya agad sa ina that he might do a movie with Aga and Bea at na-excite raw agad ito.

“And then, I turned to Maymay and I told her, and Maymay also was like, she walked up to me, coz my hand was shaking, I was so excited but I was also nervous at the same time.

“I’m a really new actor. I started in showbiz 2 years ago in PBB (Pinoy Big Brother), I’ve only been in showbiz really for a year now, and to get this chance, it was an amazing opportunity,” kwento ni Edward na aminadong pinipigil na umiyak.

Nang ikwento raw niya kay Maymay ang tungkol dito ay sobrang na-excite rin ang ka-loveteam at sinabihan siyang “kayang-kaya mo ’yan, I know you can do this, this is your chance to do this.”

Kasama si Edward nina Aga and Bea na nag-shoot sa Vancouver, Canada at kwento niya, talagang sobrang ninenerbyos daw siya and during those times ay napakalaki raw ng naitulong sa kanya ni Maymay.

“Maymay has sent me a video message and she said, ‘watch this only if you’re freaking out. If you don’t freak out, don’t watch it.’

“There were scenes that I was freaking out so much but she was there every step of the way with me,” kwento pa ni Edward na labis na ikinakilig ng mga fans nila na naroroon sa ABS-CBN Dolphy Theater kung saan ginaganap ang presscon.

Nagawa raw niya ang mga eksena dahil na rin sa mga kasamahan niya especially the lead stars na talaga raw sobrang napakakumportableng kasama pati na si Direk Paul Soriano.

“I was so comfortable not because of my own skills but because of Direk Paul, because of Kuya Aga and Ate Bea and of course, Albie (Casiño) and the whole cast as well. I have nothing but gratitude for this movie and for the production,” sey pa ng young actor.

Ang First Love ang kauna-unahang pagsasama nina Bea at Aga. Ipalalabas na ito sa Oct. 17.