5,935

Duet nina Maja at Tor Saksit ng Thailand, available worldwide!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 540

NAGSANIB-PUWERSA ang Bec-tero Music Thailand at Ivory Music and Video Philippines para ihatid sa Asia ang newest and boldest musical collaboration to hit the musical scene!

Philippines’ very own Dance Princess Maja Salvador and Thailand’s most adored pop singer and pianist Tor Saksit join forces in their newest single Falling Into You.

With her successful teleserye on the side, Wildflower actress Maja is surely on a roll as she dives in one of the biggest milestones in her career.

Last September ay lumipad si Maja papuntang  Bangkok, Thailand to meet and record the single with Thai heartthrob Tor. Coincidentally, ito ang kauna-unahang beses na nakipag-collaborate si Maja with a foreign artist, at first time ni din Tor na mag-record ng English single.

Kamakailan lang ay humarap si Tor kasama si Maja sa ilang entertainment press para sa presscon at promo ng kanilang single. In fairness, magiliw ang binata at game na magpa-sample ng mga alam niyang tugtugin sa piano.

Ang dream partnership nina Maja at Tor is a lot of firsts for both  of them. Their passion and love for singing has always been a common ground.
    
The single was recorded in Thailand’s finest and state of the art Karma Studios in Bang Saray, south of Pattaya. Victor Lau, a well-known musical producer and composer from Taiwan who has worked with Meteor Garden’s Vaness Wu, Cyndi Wang, and more, produced Maja and Tor’s most awaited single.
    
Penned by Tor himself and other co-writers, the song highlights Tor’s smooth, swooning piano playing skills and vocals, complimented by Maja’s sultry and emotion-filled delivery.
    
To be released globally this February 2018, Falling Into You will capture the hearts not just of Filipino and Thai fans, but every music lover all around Asia and the world.

* * *

SAMANTALA,sa interbyu namin kay Maja, naikuwento niya ang kakaibang experience  habang nag-rerecord siya ng Falling Into You.
    
“Hindi nila ako pinabirit. Kung ano ’yung natural voice ko do’n lang sila naglaro. Walang birit-birit sa kanta ko,” sambit pa niya.
    
Sobrang na-amaze din si Maja sa husay ng ka-duet sa pagtugtog ng piano.
    
“Kita n’yo naman nu’ng presscon, first time kong ipinarinig sa kanya ’yung kanta kong Dahan-dahan pero nakapa agad niya sa piano. Kahit yung Para Sa ’Yo ni Inigo, nakuha rin niya agad. Grabe ang talas ng tenga  niya,” papuri pa niya sa Thai singer.