4,887 guests

Direk Maning Borlaza, pumanaw na

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 452
Direk Maning Borlaza Direk Maning Borlaza

PUMANAW na ang beteranong direktor na si Emmanuel "Maning" Borlaza. He was 81. Si Direk Maning ay vice chairman din ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Nakilala si Direk Maning bilang isang scriptwriter noon sa Sampaguita Pictures hanggang mabigyan ng break bilang direktor.

Ilan sa mga ginawa niya ay mga box office hit at award winning movies tulad ng Kadete, Bukas Luluhod ang mga Tala, Blusang Itim at marami pang iba.

Naging paboritong direktor siya ng aktres at ngayo'y congresswoman na si Vilma Santos. may higit 20 pelikula silang nagawa. Nakagawa rin sila ng ilang pelikula ni megastar Sharon Cuneta.

Ayon sa kanyang pamangkin na si Roy, inatake sa puso ang direktor at hindi na umabot sa ospital ng buhay.

Dapat sana'y 82 na siya sa kanyang kaarawan sa November 5. Nakalagak ang kanyang labi sa Loyola Memorial Homes sa Sucat, Parañaque.

Sa mga huling sandali ng buhay ni Direk Maning, kilala rin siya bilang patron of the arts. Mahilig siyang mangolekta ng paintings.
    
Napapakinggan at napapanood din siya dati sa Radyo Inquirer 990 sa programang MTRCB Uncut.

JENNIFER, NAGTITINDA NG WIGS

NAGING bisita namin sa aming “Inside Showbiz” radio program sa DZRJ AM noong Linggo ang actress at dating member ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” na si Jennifer Sevilla na Mrs. Seymour Go na ngayon.
    
It is by choice na semi-active si Jennifer ngayon sa kanyang showbiz career dahil busy siya  and her husband sa kanilang lumalagong negosyo na may kinalaman sa hair fashion, ang Lynelle: House of Hair Fashion na nagbebenta ng iba’t ibang wigs.  Bukod dito, supplier din sila ng mga mannequin at ang kanilang shop ay matatagpuan sa Tutuban Center in Divisoria at may branches sila in Virra Mall in Greenhills, Quezon City at Makati.
    
Sa mag-asawang Jennifer at Seymour, aminado  ang una na ang kanyang husband ang negosyante sa kanilang dalawa.  Nakatulong naman ang kanyang hilig sa fashion laluna nung aktibo pa siya sa kanyang showbiz career.
    
“Nung nasa “That’s Entertainment” pa po ako ay may production numbers kami every week kung saan kailangan naming mag-produce ng iba’t ibang costumes and wigs. Dito ako actually nagsimulang magkahilig sa fashion which I think ay malaki ang naitulong sa business namin ngayon ng husband ko,” pahayag ni Jennifer.
    
While she admits na nami-miss niya ang showbiz, priority sa kanya ngayon ang kanyang pamilya at negosyo.
    
“Kahit papaano naman ay naisisingit ko pa rin naman ang acting paminsan-minsan but I can’t do it fulltime dahil kailangan ako ng pamilya ko and our business."
    
May dalawa nang anak na lalaki si Jennifer at kitang-kita ang pagiging masaya at kontento sa kanyang buhay ngayon.
    
Isa si Jennifer sa tumatanaw ng malaking utang na loob sa namayapang star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno.
    
“If its was not for Kuya Germs, walang Jennifer Sevilla ngayon,” aniya.