Direk Brillante, taob kay Direk Joven

October 13, 2018

Hindi inaasahan ni Direk Joven Tan na makakasama sa Final Four ng Metro Manila Film Festival 2018 ang kanyang pelikulang Otlum.

Kaya naman sobrang happy siya nang inanunsyo  na isa nga ang pelikula niya sa mapapalad na nakapasok out of 16 finished films na naisumite sa MMFF committee.

Aminado si Direk Joven na talagang kinakabahan siya before the announcement at mas lalo siyang ninerbyos nang tawagin na ang kanyang pelikula.         Ang mahigpit palang nakalaban ni Direk Joven sa last slot ay ang pelikula ni Brillante Mendoza na Alpha (The Right to Kill).

Inaasahan na ng direktor na marami ang kukuwestiyon sa kanyang kapasidad kung bakit siya nakapasok.

“Hindi ko alam kung ano ang kunsiderasyon na ginamit, siyempre, hindi naman ako ang judge. Kanya-kanyang taste ’yan. Swerte lang. Kasi 16, magaganda naman for sure ’yung 16, parang swerte siguro saka dasal,” sey niya.

“Alam kong marami akong maririnig pero anong gagawin ko, ako ang pinili? Dumaan naman ako sa proseso. Hindi rin naman ako nagsabi na piliin n’yo ’to over ganyan. Kumbaga, 16 kami, nag-take chance, siguro lucky day ko ngayon, so natutuwa ako, sobrang tuwa. Hindi nga ako makatayo kanina,” dagdag pa niya.

Ito ang first filmfest movie ni Joven bilang direktor. Pangalawang beses na raw ito na sumali siya.

His film last year, Tatlong Bibe, was also intended for the MMFF, pero unfortunately ay hindi nga ito napili.

Ang Otlum ay isang horror film na pinagbibidahan nina Ricci Rivero, Jerome Ponce at Michelle Vito under Horseshoe Studios.

Ang tatlo pang kumumpleto sa eight official entries ay ang Mary, Marry Me ng Ten17P starring Sam Milby, Toni Gonzaga and Alex Gonzaga directed by Ric delos Reyes; One Great Love ng Regal Entertainment starring Kim Chiu and Dennis Trillo directed by Eric Quizon; at Rainbow’s Sunset ng Heaven’s Best Entertainment directed by Joel Lamangan starring Eddie Garcia, Sunshine Dizon and Gloria Romero.

Matatandaang nauna nang inihayag ang first four official entries at ang mga ito ay ang Aurora, Girl in the Orange Dress, Fantastica: The Princesses, The Prince and the Perya at ang Popo en Jack: The Puliscredibles.