7,784 guests

Dingdong, may pinagseselosan

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 584

Jason, may teleserye agad sa GMA

Tiyak na matatawa si Dingdong Dantes sa tsismis na kaya niya dinalaw si Marian Rivera sa taping ng
Super Ma’am dahil may pinagseselosan siya sa mga kasama ni Marian sa show. Klinaro rin sa tsismis na
hindi si Matthias Rhoads, isa sa mga leading man ni Marian ang kanyang pinagseselosan.
    
Si Jerald Napoles ang isa sa mga love interest ni Marian sa series. Matatawa rin ito ’pag siya
ang tinukoy na pinagseselosan ni Dingdong. Gaya sa pagiging bida niya sa The Write Moment, magtatanong
din tiyak si Jerald kung bakit siya?
    
Samantala, bagong pasok na karakter sa Alyas Robin Hood 2 si Rodjun Cruz at sa nakita naming
picture, pulis din ang role niya. Hindi lang natin alam kung kakampi o kalaban ni Pepe (Dingdong) ang
papel ni Rodjun.
    
Anyway, nag-weekend sa The Farm sa San Benito sa Lipa sina Dingdong, Marian at Zia at abangers
ang followers ng pamilya sa pictures na kuha sa bakasyon nila. Hindi nagpahuli si Zia sa rami ng likes
sa solo pic niya na pinost ng parents niya. Sa Instagram (IG) ni Marian, may 115,601 likes na ang
picture at sa IG ni Dingdong, last time we checked, may 71,203 likes na at panalo ang caption ni
Dingdong kay Zia na “Our little Miss Philippines. #YesPinay.”

* * *

Pagmamalaki ni Matthias Rhoads nang makausap namin sa taping ng Super Ma’am, his Tagalog is getting
better, pero nang may ipasabi kaming Tagalog words, nabulol. Ayun, inamin na it will
take two years for him to really talk in straight Tagalog. Hirap siya sa maha-haba at mahirap na
Tagalog words, kaya ’pag nasa kanya na ang script for the next taping day, “Pag-aaralan kong mabuti ang
script, but every week, there is something difficult sa dialogue. I can’t get it the first time,
iniintindi ko muna,” kwento ni Matthias.
 
Thankful si Matthias sa mga kasama sa Super Ma’am na laging nakasu-porta sa kanya at isa na si
Marian Rivera.
    
“She gives  me tips and I like her work ethics. Very hardworking and passionate. On my own, I
have to work harder, this is my biggest role and I don’t want the network to be disappointed with me,”
sabi ni Matthias.
    
Masaya si Matthias na hindi na nasundan ang pamba-bash sa kanya nang mag-post siya about
working with Marian.
    
 “I’m happy, I’m doing good at wala ng negative reaction ang fans,” dagdag ni Matthias.

* * *

Sa mga bagong Kapuso, si Jason Abalos ang magkakaroon na ng regular show dahil kasama siya sa cast ng
The One That Got Away. Mahusay na aktor si Jason, tiyak na sasabay siya sa aktingan kay Dennis Trillo
at ibang cast ng series.
    
Si Catherine Rem, marami nang nilabasang show at kasama sa cast ng Haplos. Si Sophie Albert,
ilalagay daw sa primetime series at maganda ang plano sa kanya ng GMA Network dahil kinakitaan ng
qualities ni Carla Abellana.
    
Wala pa kaming balita sa magiging show ni Eliza Pineda. Sina Matt Evans at Dionne Mosanto,
under AGP Casting ni Rams David pero sa GMA-7 shows din mapapanood. In fact, madalas nang mapanood si
Matt.
    
Si Jason Francisco, si Perry Lansigan ang manager at napapanood na rin siya sa shows ng GMA-7.