6,052

Dingdong kay Marian: Lumundag pa tayo, baby!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 535

Napaka-sweet, nakakakilig at nakaka-good vibes ang wedding anniversary video na ginawa ni Dingdong Dantes (with the help of Gab Valenciano) para sa asawang si Marian Rivera.

The couple celebrated their third wedding anniversary last Dec. 30 at nag-effort talaga si Dong na gumawa ng anniversary video para sa asawa na ipinost niya sa kanyang Facebook account.

Caption ni Dong sa video na as we write ay may mahigit 1.7M views na, “Marian Gracia Dantes, I may not have any material gift to offer this year, but i just want to give you this. A collaboration with the genius artist, Gab Valenciano of Nativ. Watch. Listen. Dive in.”

Napakaganda ng video kung saan ay makikita sina Dong at Marian sa iba’t ibang lugar at okasyon, kasama na ang ilang mga eksena sa prenup video nila at sa kasal three years ago.

Boses ni Dong ang maririnig sa entire video narrating his message para sa asawa na talaga namang mararamdaman mong galing sa puso.

Simula niya na talaga namang nakakakilig agad, “Hi baby, here we are again, another year, another blessing. Ano pa bang masasabi ko kundi this has been the best three years of my life?”

All throughout the video ay matutunaw ka sa mga napakagandang sinabi ni Dong kay Marian.
    
Bahagi pa ng kanyang mensahe, “I once said I can jump off any cliff no matter how high as long as I know you are there holding my hand. And so, we did jump quite high, yet here we are, safe and sound.”
    
Pinasalamatan din niya ang asawa for being such an inspiration to him.
    
“Thank you dahil sa lahat ng mga gusto kong gawin sa buhay, natupad at natutupad ko dahil sa ’yo. And this is because you inspired me to be the best Sixto that I can be. You are the perfect element that I need to lead this family which we heed.
    
“When I look at you, all I see is pure love. A love that allows me to see beyond myself, a kind of love that gives me limitless choice, peace and hope.”
    
Bago magtapos ang video, maririnig na sinabi ni Dong na, “You showed me what it is like to create a miracle. And within that miracle, we created this beautiful being.”         
    
Enter sa frame ang napakaganda nilang anak na si Maria Letizia.
    
“We must have done something good to deserve this little princess,” sey pa niya.
    
’Eto pa ang isang pamatay na sinabi ng aktor: “While I cannot promise the whole world to you, I will give you mine, my love, my loyalty, my passion, my service, my honor.
    
“Marian Gracia, mestizang Caviteña, I am so excited for what is in store for us.     And the best part is, we have the rest of our lives to figure it out.
    
“Happy anniversary. Lumundag pa tayo, baby.”
    
Sumagot si Marian sa kanyang IG account at nagpasalamat sa asawa.
    
“Thank you dahil sa lahat ng mga gusto kong gawin sa buhay natupad at natutupad ng dahil sayo. It's because you inspire me to be the best sixto that i can be...” -- Jose Sixto
    
“Maraming salamat mahal, dalangin kong gabayan pa tayo lalo ng Mahal na Ama sa langit. At sa mga taong walang sawang nagmamahal at nagdadasal para sa atin. Salamat ng marami sa inyo.
    
“May ‘Forever’... maniwala ka!” post ni Marian.