4,961 guests

Dingdong, handa kay Coco!

  • Written by LITO MAÑAGO
  • Published in Showbiz
  • Read: 309

IBINABALIK ng GMA Network ang hit series na Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. 

Makakatapat nito ang programang FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin na mahigit dalawang taon nang namamayagpag sa ere at naghahari sa ratings game.

Confident at malaki naman ang paniniwala ni Dingdong at mga kasamahan sa serye na tatangkilikin pa rin ito ng loyal viewers ng Kapuso Network lalo na't mataas din naman ang rating ng first season ng programa.
    
Dingdong plays Pepe de Jesus, a former vigilante known as Robin Hood and is now a full-pledged lawyer that mostly takes on pro bono cases to help the poor and the oppressed.
    
“Kapag sinabi mong part two, whatever you saw sa last season kailangang mag-double up in terms of the drama, the action, sa comedy, total look, production value, double up lahat. Biyaya sa amin na nabigyan kami ng second season kaya dodoblehin din namin ’yung sayang maaaring i-expect nila at gagawin talaga namin ’yan,” pagbabahagi ng mister ni Marian Rivera.
    
Sa kuwento naman ni Direk Dominic Zapata, “Ang laki! Nagbago ’yung laki. Ayokong ipinagmamalaki ’yung hirap kasi lahat tayo, dapat nahihirapan. Kapag hindi ka nahihirapan, wala kang dinadala. Masaya lang kami dahil suportado kami ng network.”
    
“Bagong putahe ito, idadagdag mo lang du’n sa dati ng putahe,” pagmamalaki ng direktor.
    
Ibinahagi rin ni Paolo Contis (gumaganap bilang Daniel Acosta) na pilot week pa lang ng Alyas Robin Hood ay inabot na sila ng mahigit siyam na araw.
    
“Ang hirap, sobra,” lahad ng boyfriend ni LJ Reyes. “’Yung pilot week namin, nakaka-nine days na kami. That's for the pilot week pa lang. Ang normal na pilot week, usually, inaabot lang ng 3 to 4 days. We’re on our 9th day. Mabusisi talaga  ’yung pilot week namin.”
    
Ang Alyas Robin Hood ay mapapanood pagkatapos ng top-rating newscast ng GMA na 24 Oras kasunod agad nito ang fantaseryeng Mulawin VS. Ravena at I Heart Davao nina Tom Rodriguez, Benjamin Alves at Carla Abellana.
    
Apart from Dingdong and Paolo, bahagi rin ng serye sina Andrea Torres, Ruru Madrid, Solenn Heussaff, Jaclyn Jose, Gary Estrada, Jay Manalo, KC Montero, Dave Bornea, Rob Moya,  Rey “PJ” Abellana at marami pang iba.
    
May special participation din si Edu Manzano bilang  Emilio Albano, isang famous at charismatic real estate agent.

* * *

BALIK-Kongreso na ulit ang former pretty boy ng Seiko Films na si Cong. Alfred Vargas ng fifth district ng Quezon City pagkatapos na maipalabas sa Cinemalaya Independent Film Festival & Competition ang pinagbibidahan niyang pelikulang Ang Guro Kong ’Di Marunong Magbasa ng Alternative Vision at dinirehe ni Perry Escaño.
    
“Priority naman natin lagi, eh, ’yung public service. Ito talaga ’yung trabaho natin. Kumbaga, kung may extra time lang ako, saka lang ako tumatanggap ng trabaho sa showbiz,” simula ng simpatikong mambabatas.
    
Ginampanan ni Cong. Alfred ang papel ni Aaquil na isang illiterate farmer na naging educator sa mga batang biktima ng war-torn barrio sa Mindanao.
    
“Coincidence lang na Aaquil din ang character ko. Hindi nga alam ni Direk Perry na Aquil din ako sa Encantandia," sambit ni Cong. Alfred.
    
Ang ikinatutuwa ng QC lawmaker, naging venue ang Cinemalaya para sa kanyang education advocacy lalung-lalo na sa nasasakupan niyang distrito.
    
“Kahit na anong mangyari, tuloy pa rin ang trabaho ko, tuloy pa rin ang serbisyo ko sa mga tao,” pangako ng Golden Screen awardee.
    
Dagdag niya, “Masaya lang ako dahil naging venue ’yung Cinemalaya para makapag-advocate ng education. Para sa akin, du’n pa lang, quota na ako. Kumbaga, nabigyan ako ulit ng pagkakataon to act and at the same time, makapag-advocate. Sa akin, jackpot na ako ru’n. Happy na ako."
    
Pagkatapos ng maikling appearance niya sa Encantadia, aminado ang kongresista na nami-miss daw niyang umapir sa teleserye o soap operas.
    
“Meron namang offer ang GMA-7. Unlike sa Encantadia, kasama ako from start to finish. Kapag natapos ’yung budget session, tatanggapin ko na ’yung project," paniniguro ng award-winning actor.
    
Ipinagmamalaki ng kauna-unahang kongresista ng ika-5 distrito ng Kyusi na may mahigit 180 plus bills siyang nai-file sa kongreso.
    
“Sa ngayon, may mga bill ako na gusto kong isulong, tututukan ko muna 'yon. May bills ako para sa entertainment industry tapos nakikipag-coordinate rin tayo kay Liza Diño. Kahit papaano, tumutulong pa rin tayo sa industriya.”
    
Tiniyak sa amin ni Cong. Alfred na pagkatapos ng Ang Guro Kong ’Di Marunong Magbasa, may gagawin pa siyang isang malaking movie project na iso-shoot abroad.
    
“Nagpa-finalize pa lang kami ng script. Nasa first draft pa lang. Wala pang masyadong detalye. We’ll let you know,” kuwento ng actor-turned-legislator.