Diego, masaya para kay Sunshine

October 11, 2018
Diego Loyzaga

Isa si Diego Loyzaga sa lead cast ng bagong serye ng ABS-CBN na Los Bastardos na hango sa Cardinal Bastards series ng Precious Hearts Romances.

Siya si Joaquin, ang tanging anak na lalaki sa poder ng ama.

Sa presscon last Wednesday, natanong ang aktor kung hindi ba siya naalangan na tanggapin ang proyekto dahil sa titulo nito.

“I accepted, there’s nothing wrong with it, walang problema sa akin kung ’yun ang titulo. Dahil ba bastardo ako?

“What’s the problem there? There’s no problem there. Tulad nga ng sinabi natin, kaya nga nabuo itong istorya na ’to, because the reality to it is there are really a lot of people who are bastards out there who do go through this walks in life na pinagdadaanan ang mga ganito,” pahayag ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Dagdag pa niya, ang show ay tumatalakay sa mga dinadaanan ng mga kalalakihan from all walks of life.

“So, what’s wrong with it? There’s nothing. For me, it’s good and I’m happy na ako ’yung isang napili to be one of the bastards. To show my walk of life being a bastard, so I’m happy to be here.”

Samantala, nahingan din ng reaksyon si Diego sa kakalabas lang na annulment ng marriage ng ama sa ex-wife nitong si Sunshine Cruz: “You know what, actually, hindi ko alam. Ang alam ko lang, si Tita Shine, I heard about it from my mom, ’coz friends sila ni Tita Shine and Tita Shine threw a get together ng close friends na hindi ako nakapunta because of work.

“I’m so happy for Tita Shine, that’s all I have to say about that. I’m happy for my Tita Shine that she is happy,” he said.